Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, may paglalagyan sa entertainment industry — Ate Vi

012016 xian vilma

00 SHOWBIZ ms mPINURI ni Gov. Vilma Santos ang husay at dedikasyon ni Xian Lim sa trabaho nito bilang artisa. Ang pagpuri ay naganap sa grand presscon ng Everything About Her na pinagbibidahan din ni Angel Locsin at idinirehe ni Binibining Joyce Bernal.

Ani Ate Vi, may paglalagyan sa entertainment industry ang talent ni Xian.

Sinang-ayunan naman ito ni Direk Joyce at sinabing ang husay ni Xian ay nakikita sa mga eksenang kahit hindi niya kinailangang umarte ay nagbibigay ito ng extra effort.

Mahusay, masarap katrabaho, at masayang kasama naman ang sinabi ni Angel ukol kay Xian. Kaya nagtataka raw siya kung bakit maraming basher ang actor at sinasabing hindi ito karapat-dapat sa proyektong ito.

Hindi naman naitago ni Xian ang reaksiyon sa mga papuring sinabi sa kanya ng mga kasama niya sa Everything About Her.  Tila gumaralgal ang boses nito at medyo napaluha at sinabing malaki ang pasasalamat niya sa Star Cinema dahil isinama siya sa proyektong ito.

Pinasalamatan din niya si Binibining Joyce sa tiwalang ipinagkaloob nito sa kanya gayundin si Gov. Vi na laging nagpapaalala sa kanya na everything is a learning process.

Nakasentro ang Everything About Her kina Vivian (Vilma) at Jaica (Angel). Isang matinik at istriktong “power lady” si Vivian na tinamaan ng isang malubha at terminal na karamdaman. Mapipilitan siyang kumuha ng isang nars, si Jaica na siyang mag-aalaga sa kanya para itago sa mga kasamahan at mga empleado na siya ay may kanser. Mahirap man para kina Vivian at Jaica na sila ay magkasundo, inutusan ni Vivian si Jaica na pauwiin ang kanyang anak na si Albert (Xian) na nakatira sa Amerika dahil siya ay umaasang maaayos ang nasira nilang relasyon.

Ang Everything About Her ay handog ng Star Cinema at mapapanood na sa January 27.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …