Friday , November 22 2024

Reunification ng China binigo ng Taiwan sa eleksiyon (Kuomintang inilampaso)

00 Bulabugin jerry yap jsyNAGBUNYI ang bansang Taiwan nang matagumpay nilang naiupo ang lider ng oposisyon na si Tsai Ing-wen sa isang landslide victory sa presidential election nitong Sabado.

Si Tsai rin ang kauna-unahang babaeng lider na naihalal sa parliamentaryo ng Taiwan.

Maigting at matensiyon ang nasabing eleksiyon dahil layunin ng mainland China na muling mabawi ang Taiwan para mai-unify na ang buong bansa.

Pero ayaw itong mangyari ng mga taga-Formosa.

Gayon man walang naitalang karahasan at sa halip ay naging mabilis at mapayapa ang pagtatapos ng halalan. Alas-siyete pa lang gabi ay deklarado na lahat ng mga nanalo sa halalan.

Kung ikokompara sa Filipinas, talagang nakahahanga at nakaiinggit ang eleksiyon sa Taiwan.

 Nawalis man ang kabuuan ng Kuomintang party agad tinanggap ng kanilang kandidato na si Eric Chu ang kanyang pagkatalo.                Ganyan sa China. Kahit hindi nangyayari ang ‘gusto’ o plano ng kanilang Communist government, inirerespeto nila ang resulta at ang proseso sa kabuuan.

Pero sabi ng mga taga-Taiwan, ipinakita lang daw nila ang gusto nilang pagbabago. Kaya nga maging ang mga Taiwanese na nasa ibang bansa at ibang bayan sa China ay pilit na umuwi upang iboto ang Democratic Progressive Party (DPP) alang-alang sa hinahangad nilang pagbabago.

Nakapagtataka pa ba kung bakit maunlad ang Taiwan at kayang ipagtanggol ang kanilang awtonomiya sa mainland China?

Maayos, determinado at may prinsipyo ang mga mamamamayan at political leader ng Taiwan…

Dito sa atin…we can only wish and dream to have one.

Mag-ingat sa pekeng NPA (Babala ng PNP at AFP)

Dahil election fever na nga, nagbabala ang Philippine National Police (PNP) at AFP sa  mga politiko at ilang kandidato na mag-ingat sa mga nanghihingi ng campaign tax sa mga lalawigan.

Batid naman natin na usong-uso itong campaign tax (permit to campaign) sa mga lalawigan.

Lahat sila ay nagpapakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) pero natuklasan ng PNP na marami sa kanila ay peke.

Dahil alam nilang pinaninindigan ng NPA ang kanilang mga pagbabanta, kaya maraming politiko ang hindi nagdadalawang-isip na magbigay kapag nahihingian sila o napadadalhan ng sulat.

At ‘yan ang sinasamantala ng ilang armadong grupo ngayong eleksiyon.

Gagamitin nila ang pangalan ng NPA para matakot sa kanila ang target nilang kikilan.

Kung mayroong magpadala o lumapit sa inyong gaya nito, alam na po ninyo kung ano ang dapat ninyo gawin, NPA man ‘yan o pekeng NPA.

Uulitin po natin, MAG-INGAT!

MPD outstanding cop niluluto na!?

Ilang MPD friendly cop ang nagpadala ng mensahe sa atin na nangangamba sila na magkakaroon ng lutong-Macau  sa pagbibi-gay ng award sa kanilang hanay sa nalalapit na anniversary ng Manila Police District.

Nabuking raw nila ito nang mapag-alaman nila na nagkaroon ng isang selebras-yon sa isang himpilan ng pulisya ng MPD.

May nalasing raw na isang pulis at isiniwalat na malaking halaga ang kanyang ibi-nigay umano sa awards ‘komita’ ‘este’ committee ng MPD?

Isang alias PO3 ONE SHOT sa isang MPD Police Station ay matunog na isa sa mga awardee.

Kahit sa record ng MPD-GAS ay tadtad ng kasong hulidap at planting evidence.

Kaya naniniwala ang matitinong pulis (hindi kasama ‘yung kupitan ng delihensiya group) sa Manila Police District, iba talaga ang nagagawa ng maruming pera dahil kung totoong awardee ito ay mukhang na-corrupt ni alias PO3 ONE SHOT ang Awards Committee ng MPD para lang siya magkaroon ng award sa tulong ng isang photojournalist na hao shiao!?

Paki-explain nga MPD awards committee!

Samantala, ‘yung mga pulis na nakahuli ng male-maletang droga sa dalawang Tsinoy sa katabing hotel ng Meisic Police Station ay hindi man lang mabigyan ng award at ang natanggap pa ay relieved order.

Pati na ‘yung nakahuli sa pumaslang ng traffic police ay nasibak rin sa puwesto.

‘Yung mga tunay na good cop ng Manila Police District ay parang ayaw bigyan ng Award!?

Balita rin na ‘yung isang notoryus na Kupitan ng delihensiya group ay mabibigyan din ng award?!

Magkano ‘este’ paano nangyari ‘yan?

What the fact, Gen. Nana!?

Si Calixto lang ang iboboto

KA JERRY, si Calixto iboboto namin pero ‘yan si Boyet na vice mayor n’ya ay hndi nmin iboboto. Kilala lang nyan mga brgy. chairman. Cla lng pinasasaya nya.

+63918442 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *