Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, pinangunahan ang Thalassemia Day Celebration

012016 heart evangelista

00 SHOWBIZ ms mPINANGUNAHAN ni Heart Evangelista, asawa ni vice presidentiable Senator Chiz Escudero ang pagdiriwang ng 11th World Thalassemia Day kasama angThalassemia Association of the Philippines at Oxygen Art Gallery.

Nagsama-sama noong Enero 9 ang mga batang may thalassemia, isang genetic blood disorder, gayundin ang mga pamilya nito mula Maynila at kapalit probinsiya sa Lung Center of the Philippines (LCP) para ihayag ang mga pangangailan ukol sa policy sa Philippine health care system na susuporta sa basic care para sa mga pasyenteng may thalassemic.

Ang Thalassemia ay isa sa world most common single-gene disorders. Nakalulungkot na marami pa rin sa bansa ang may ganitong sakit na hindi nalulunasan. Kailangan kasi nito ng regular na monthly blood transfusion para tuloy-tuloy ang buhay. At dahil sa dalas ng pagsasalin ng dugo, kailangan din ng maintenance ng lethal iron overload na tinatayang nagkakahalaga lahat ng P30,000 kada buwan.

Ang madalas palang tamaan ng Thalassemia disease ay mga bata at karamihan sa kanila ay nagkakaroon ng problema sa blood shortage at kakapusan ng pera para suportahan ang chelation therapy.

”Thalassemia deserves priority in the country’s health agenda,” ani Dr. Liza Naranjo, isang pediatric hematologist at officer ng advocacy group na Thalassemia Association of the Philippines. ”If you are Filipino thalassemic, the trend  is that usually you get overwhelmed with heart and liver complications by age 10-13 years.

“There is still a lack of regular blood donation for our patients. Unlike in other countries, Filipinos are not yet conscious that blood donation is a social obligation,” dagdag pa ni Naranjo.

Sampung taon na palang sinusuportahan ni Heart, isa ring visual artist bukod sa pagiging aktres, ang thalassemia, ang nagsasagawa ngayon ng art workshop para sa 80 kabataan na may thalassemia.

Ang mga likha ng mga batang may thalassemia ay idi-display at ibebenta sa Lung Center of the Philippines’ Oxygen Art Gallery para makatulong mag-raise ng pera na susuporta sa mga pangangailangan ng mga batang may sakit.

Kahanga-hanga ang pagtulong na ginagawang ito ni Heart sa mga batang may karamdaman. Mabuhay ka Heart.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …