Ani Direk Joel, si Claudine ay isang aktres sa totoong depinisyon ng pagiging aktres.
Sa totoo lang, magaling naman talagang aktres si Claudine at it’s about time nga siguro na muling ibalik nito ang dating nakikitang arte sa kanya ng mga manonood.
Pinuri rin si Claudine sa working attitude nito ngayon na maaga nang dumarating sa set at nauuna pa sa mga kasamahan.
Sinabi naman ni Claudine na sa 24 taon na niya sa business na ito palaging challenging ang anumang project na dumarating sa kanya. ”I’ve been 24 years in this business. Eleven years in theater sa Rep na bata pa lang ako artista na and I’m very grateful na lahat ng pinangarap ko ay naabot ko,” sambit ni Claudine sa grand presscon ng Bakit Manipis ang Ulap? Noong Lunes.
Iikot ang kuwento ng Bakit Manipis ang Ulap? sa pag-ibig, pamilya, at panlilinlang. Taong 1985 nang una itong ipalabas sa mga sinehan at pinagbidahan nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Tommy Abuel, Mark Gil, at Janice de Belen. Si Danny Zialcita ang nagdirehe at sumulat nito. Ngayong 2016, muling bubuhayin ang kuwento nito pero higit na pinainit at mas pina-intense ang drama.
Kasama rin sa drama series na ito sina Diether Ocampo, Ruffa Gutierrez, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Meg Imperial, at Cesar Montano.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio