Monday , December 23 2024

Nognog nakatikim ng boo sa Cebu

00 Bulabugin jerry yap jsySA UNANG pagkakataon yata ay nakatikim ng BOO ang tropang Binay.

‘Yan ay nangyari sa Cebu City Sports Center sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kamakalawa.

Matapos umanong ipakilala ni suspended Mayor Mike Rama si Vice President Jejomar Binay ay umugong ang BOO mula sa tinatayang 10,000 katao.

Lalo pa raw lumakas ang boo nang tumayo si Binay para magbigay ng talumpati.

Kaya ang nangyari umano ay bumati na lang ng magandang umaga sa Binay saka sinabing Viva Pit Senyor!

Pero, ayon naman sa kampo ni Binay wala silang narinig na boo. Hindi umano nila alam kung saan galing ‘yang ‘boo’ na ‘yan.

Sabi tuloy ng Bulabog boys natin, nagkakadiperensiya pala ang tenga ng mga bata ni Binay kapag nabo-boo sila.

Hik hik hik…

‘E kasi naman hindi na lang kasi sumama sa parade ng Sinulog saka nagsayaw-sayaw.

Gusto pa kasing umakyat sa entablado ayan na-boo tuloy.

Mukhang hindi nagtrabaho ang advance team ng tropang Binay at hindi man lang ‘ata nagtanong sa mga tao kung alam ba nilang si VP Binay ay nandoon kaya hindi natantiya kung sasalubungin ba sila nang kaiga-igaya ng mga Cebuano.

O mas matalino at mas matapang lang ang mga Cebuano kaysa mga tao sa Metro Manila dahil naiintindihan nila ang mga anomalyang ikinakabit kay Binay?!

Next time kasi, kung ayaw ninyong ma-boo piliin ang bobolahin ninyo!

‘Yun lang po!

QCPD Tata Francisco Crisanto, piyansador ka ba o estapador!? (Attention: Gen. Edgardo Tinio)

‘Yan ang gusto natin itanong sa isang FRANCISCO CRISANTO na nagpakilalang pulis-QCPD sa kanyang kapitbahay na probinsiyano.

Mistulang sinakluban ng langit at lupa ang mga kaanak ng isang pobreng driver na alyas DANNY na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Caloocan PNP traffic section sa Samson road Caloocan dahil lamang sa banggaan ng kotse nitong nakaraang Enero 2.

Ang siste, dahil sa kawalan ng alam sa batas ay nagpatong-patong ang kaso na kinarga kay Danny gaya ng reckless imprudence resulting in damage to property, driving under the influence of alcohol at ang masaklap ay mayroon pang physical injury na kung tutuusin ay mas malala pa ang sugat sa katawan ni Danny kaysa driver na nakabangga n’ya.

Sino ba naman ang may kagustuhan na mangyari ito!?

Kaya nga aksidente ‘di ho ba?

Ito na, makalipas ang isang linggong pagkakakulong, isang Tata Franciso Crisanto na kilalang pulis sa kanilang lugar ang nilapitan ng kapatid ni Danny para tulungan silang mailabas si Danny.

Kaagad na humirit ng 12k si Tata Franciso para pampiyansa at dahil magaling ang boladas ay ibinigay agad ng utol ni Danny.

Ayos na sana dahil may isang pulis na handang tumulong sa kanila.

Ang siste, ilang linggo na ang nakalipas ay nganga at nakakulong pa rin si Danny!

Sonabagan!!!

Tata Franciso Crisanto, kung hindi mo rin lang matutulungan makapagpiyansa ang pobreng si Danny ay mas mabuti na ibalik mo na lang ang perang kinuha mo!

Maawa ka naman sa pamilya ni Danny na umasang matutulungan sila pero nadagdagan pa ang problema nila!

PNP-QCPD district director Gen. Edgardo Tinio, baka ho pwedeng tulungan n’yo ang pamilya ni Danny na maibalik na lang ang perang pampiyansa n’ya.

At pakikastigo na rin itong si Tata Francisco Crisanto!

2 opisyal ng MPD nagbangayan ‘timbre’ sa ghost cops!? (Attn: SILG Mel Senen Sarmiento)

Pinupulutan ngayon sa mga umpukan sa MPD HQ ang bangayan ng dalawang opis-yal ng Manila Police District sa harap ng mga bagitong pulis dahil sa pag-aagawan ng timbre ng mga naka-LUBOG na pulis Maynila.

 Nag-ugat umano ang iringan at banga-yan ng dalawang  opisyal nang solohin at suwapangin ang nakukuhang timbre sa mga pulis na nakalubog sa Manila Police District ng isang opisyal.

In short, binubulag nong isang opisyal ang kapwa opisyal n’ya!

‘Yun isang opisyal ang sinasabing nagbulsa kamakailan sa allowance ng pulis ga-ling kay Yorme Erap.

Pilit kasing pinalulutang no’ng matinong opisyal ang mga nakalubog na pulis sa bawat police station at sa headquarters kaya inaaway siya ng opisyal na may hawak ng ghost cops sa MPD.

That’s a lot of money,Gen. Rolly Nana!?

“NBI” pasaway sa pista ng Sto. Niño sa Tondo (ATTN: COMELEC & NBI)

KA JERRY, kahapon Kapistahan ng Sto. Niño may isang grupo ng lalaki na naka-camouflage na ang lider ay ngapapakilalang NBI, ang bumunot ng baril na chrome plated .45. may hawak na red horse ang maitim at matabang mama. Hindi raw pwedeng dumaan sa harap nila. Sa kanto ho ng Capulong at Varona st. bandang gabi ho nangyari. Sana imbestigahan ng Comelec, NBI at MPD. May CCTV nman ho sa lugar na ‘yun.

#+62916558 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *