Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, magkakaroon muli ng exhibit sa Ayala Museum

011916 heart evangelista

00 SHOWBIZ ms mSASABAK agad si Heart Evangelista sa pagpipinta para sa nalalapit niyang exhibit sa Ayala Museum. Kababalik pa lang ni Heart kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero mula Japan, pero heto’t trabaho agad ang aktres.

Kinokompleto kasi ni Heart ang kanyang mga artwork na idi-display sa tanyag na museo mula Enero 30 hanggang Pebrero 9.

Ani Heart, malaki ang pasasalamat niya kay Chiz dahil napaka-supportive nito sa kanyang hilig.

“He’s very supportive! He’s up with me while I paint so he started painting too. I (also) like that he’s not the type of person who’s always on the phone. When he goes home, he’s a normal guy,” giit ni Heart sa isang panayam sa kanyang home studio sa GMA 7.

Sinabi naman ni Chiz na ang pagpipinta para sa kanya ay nagsisilbing bonding nilang mag-asawa kahit aminado itong wala siyang masyadong alam sa ganitong uri ng sining ‘di tulad ng kanyang kabiyak.

Kaya naman puro abstract na lang ang tema ng ipinipinta ni Chiz, anang senador.

“Kung hindi mo kayang mag-drowing ng maganda, i-abstract mo na lang,” natatawang sambit pa ng senador.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …