ISANG “unusually behaved” ang masasaksihan ng mga manonood sa karakter ni John “Sweet” Lapus sa Tasya Fantasyang Viva TV which airs on February 6 on TV5.
Nakasanayan na kasi ng viewers na laging nasa talak mode ang mahusay na komedyante, pero sa nasabing serye with Shy Carlos playing Tasya, Sweet plays her adoptive parent alongside Candy Pangilinan.
Sila bale ang kinalakihan ng tsakang yaya na si Tasya who treat her as their own.
Aminado si Candy na sinadya nila ni Sweet na huwag maging maingay sa kanilang mga eksena, leaving the bungangera school of acting to their co-star Giselle Sanchez (na sa totoong buhay ay bungangera naman talaga but adorably loud-mouthed).
Abot-abot ang pasasalamat ni Sweet sa Viva Artists Management, lalong-lalo na kay Boss Vic del Rosario, sa pag-aalaga sa kanya’t pagbibigay ng mga proyektong marunong gumalang at kumilala sa kanyang kakayahan bilang isang de-kalibreng payaso.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III