Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janice, ‘di nagpatalbog kay Priscilla

011816 Janice Priscilla Meirelles

ISANG bold and daring decision ang pagsamahin sa isang teleserye sina Janice de Belen at Priscilla Mereilles. Si Janice ang past ni John Estrada at si Priscilla ang present at pinakasalan ni John.

Maraming eksena ang dalawa sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang  Be My Lady na magsisimula na sa January 18.

Sa presscon ng teleserye, hindi nagpatalbog si Janice kay Priscilla. Super sexy siya sa suot niyang short off-shoulder dress.

Sabi ni Janice, noong first take nila, marami raw ang nakikiramdam sa kanila lalo na ang staff. Pero civil naman sila at trabaho lang, walang personalan. At saka matagal nang panahon na naka-move-on si Janice sa hiwalayan nila ni John.

Si Priscilla naman ay all praises kay Janice sa pagiging magaling na aktres.

Priscilla Estrada na ang gamit-gamit ngayon ng kauna-unahang Miss Earth.

Aniya, kasal siya kay John, may respeto siya sa apelyido ng kanyang asawa kaya ito ang kanyang ginagamit.

Naikuwento rin ni Priscilla na ang Mereilles ay hindi apelyido ng kanyang tatay, kundi ng kanyang ina. Nag-divorce ang kanyang mga magulang noong bata pa siya. Hindi na ginamit ni Priscilla ang apelyido ng kanyang ama na de Almedalalo na noong pumirmi na siya sa ‘Pinas at nag-showbiz na dahil may nagsabi raw sa kanya na may dating artista (sexy star) na ang pangalan ay Priscilla Almeda.

Oo nga naman.

Anyway, ang pagiging civil nina Janice at Priscilla (and hopefully, baka maging mag-best friend pa sila in the long run) ay magandang indikasyon at magre-reflect ito sa Be My Lady na kuwento tungkol sa interracial relationship na ang mga bida ay sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Sina Priscilla at John ay isang halimbawa ng interracial marriage.

Ang maganda pa sa teleseryeng ito, real-life couple (Erich and Daniel) ang main artists pero ayon sa director nito, na-conceptualized ang teleserye, hindi pa magsyota ang dalawa.

Kasama rin sina RK Bagatsing , Yayo Aguila, Almira Muhlach, Yves Flores, Karen Dematera, MJ Cayabyab, Devon Seron, Karen Reyes, Mike Lloren, Ana Abad Santos, Perry Escano, Marife Necesito, at ang comedy trio na No Direction  na idinirehe ni Theodore Boborol sa ilalim ng produksiyon ng business unit head na pinamumunuan ni Ruel Bayani kasama ang production manager na si Mavic Holgado-Oducayen at creative manager na si Mel Mendoza del Rosario.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …