Chiz dapat i-inhibit sa mamasapano reinvestigation! (Bagong bandwagon sa grandstanding)
Jerry Yap
January 18, 2016
Opinion
ISA sa mayroong kumikislap-kislap at kumikinang-kinang ang mga mata sa nalalapit na pagsisimula ng Mamasapano reinvestigation ay walang iba kundi si Sen. Chiz Escudero.
Una dahil, marami talaga ang naghahangad na muling mabuksan ang kasong ito pero ikalawa at higit sa lahat magkakaroon na naman ng pagkakataong mag-grandstanding ang tila tumutula-tulang senador sa kanyang pagsasalita sa Senado.
Alam nating lahat na riyan eskperto si Chiz — sa grandstanding.
Hindi ba’t ganyan ang ginawa niya sa Kamara para mapansin siya sa telebisyon na eventually ay nagamit niya sa pagtakbo sa Senado?!
Lilinawin lang po ng inyong lingkod, hindi tayo tutol sa Mamasapano reinvestigation. Tayo man ay naniniwala na mayroon talagang pangangailangan na ‘hukayin’ ang kaibuturan ng isyung ito na ikinamatay ng 44 na magigiting na pulis ng SAF (PNP Special Action Force).
Mas tinututulan natin ang nakikini-kinita ng mga kababayan natin na gamitin ni Chiz ang Mamasapano reinvestigation sa kanyang grandstanding.
Kaya mas dapat na mag-INHIBIT si CHIZ sa reinvestigation!
Bilang isang abogado, dapat ay napaghandaan at naitanong na ni Chiz ang lahat ng dapat itanong noong unang Senate inquiry sa Mamasapano incident.
At dahil mas beterano sa politika, dapat kinumbinsi niya si Sen. Grace Poe na huwag buksan ang Mamasapano massacre para hindi maakusahan ng pamomolitika. Por delicadeza, ‘di ba?
Pero bakit hindi niya pinigilan si Grace?
Bukod sa hindi pinigilan, kitang-kita ang kanyang excitement sa pagbubukas ng reinvestigation sa Mamasapano incident ni Sen. Grace.
Hindi ba’t isa siya sa pumirma sa final report ng Mamasapano incident bilang pagsasara?! Pero isa rin siya ngayon sa nagnanais na muli itong buksan?!
Bakit?!
Sa totoo lang, isa lang ang nakikita nating objective ni Chiz sa pagsuso sa Mamasapano reinvestigation kahit malinaw sa dokumento na isa siya sa nagsara ng FINAL REPORT nito.
Ang Mamasapano reinvestigation ay puwede niyang gamiting bandwagon para sa kanyang kandidatura. Libre pa sa media exposure!
Remember, diyan eksperto si Chiz, sa GRANDSTANDING!
Kung talagang walang intensiyon si Chiz na gamitin ang Mamasapano reinvestigation, dapat siya mismo ang magdeklara na mag-i-INHIBIT siya.
Yes, ‘yan ang tama para hindi magamit ang Mamasapano reinvestigation sa kanyang bandwagon — INHIBIT CHIZ!
Pulis-Maynila financer ng mga bagman at kolek-tong sa Maynila! (Attn: NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao)
Isang antigong pulis-Maynila ang malakas ngayon ang ‘kitaan’ sa mga tabakohan pinagkakaperahan sa area of responsibility (AOR) ng Manila Police District (MPD).
Hindi na nga raw pinapansin ng isang alias SARHEN-TONG BOY WONG ang kanyang suweldo bilang isang pulis dahil sa dami ng kuwarta niya sa pagiging ulo ng mga bagman at kolektor sa Maynila.
Matagal nang sikat at namamayagpag si TATA BOY TONG WONG sa kanyang KOLEK-TONG activities mula sa mga pobreng vendors, clubs, droga at 1602 operators.
Pero ngayon ay nag-level up na ang kanyang lakad.
Kung noon ay pagiging bagman ng isang presinto ang hawak niya, iba na ngayon. Pang-small time na lang daw ‘yun, pagyayabang ni Boy Tong.
Hawak na niya ngayon ang lahat ng malala-king tabakohan ng iba’t ibang presinto ng MPD!
Take note MPD district director Gen. Rolly Nana!
Ilang taon rin naman hinawakan ng grupo ni alias Sarhentong Boy ang protection racket sa Divisoria.
Ngayon, pati vendors sa QUIAPO at STA CRUZ ay kopo na rin nila ni Tata Boy Tong-Wong.
Maging ang mga pokpokan cum KTV club sa kahabaan ng Recto at Avenida hanggang Blumentritt ay pasok sa kotong group ni Boy Wong-Tong.
Isang sibilyan na beteranong kolektor na alias TON TAGA ang kanyang hitman sa mga club.
Si Tata Boy Tong-Wong ang pumapapel na financier ngayon sa ilang bagman na walang pang-abono sa mga hirit ng kanilang bossing pero kapalit ang paghawak sa mga tabakohan ng estasyon o unit.
Ibinibigay na lang ni Tata Boy Tong-Wong ang napag-usapang ‘figure’ ng bagman para sa hepe at ang sobra sa kolektong ay kanyang kita.
Sonabagan!!!
Ayon sa ilang pulis-MPD, ginagamit na lang ni Tata Boy Tong-Wong ang kanyang pagkapulis para sa pansariling bulsa. Kung gustong malaman ni Gen. Joel Pagdilao ang lahat ng illegal sa Maynila ay si Tata Boy ang right person para tanungin!
Muli, tatanungin natin si MPD chief Gen. Nana kung alam o hindi pa n’ya alam ang raket ni Tata Boy Tong Wong!
Sana’y mapaniwala mo kami Sir Rolly!
Belated Happy Birthday AssComm. Gilbert Repizo!
BINABATI nga pala natin ng “Maligayang Kaarawan” si Commissioner for Border Control Operations Gilbert U. Repizo!
If not for Comm. Repizo’s guts and heroics, baka hanggang ngayon patuloy pa rin ang paghahari ng sinibak na si Comm. Miswa ‘este’ Mison!
Hindi rin biro ang dinanas na harassment at demolition job ni Repizo mula kay Mison.
Sukdulang ipina-casing pa umano si Repizo sa mga mistah ni Mison.
Mula nang maupo siya sa bureau ay nakita niya agad na hindi siya welcome kay Mison dahil hindi ang manok n’ya ang nakaupong associate commissioner.
Maging ang mga official functions n’ya ay tinanggal ni Mison.
But despite that, nagtrabaho nang maayos si Repizo at tunay na nakipaglaban na ma-retain ang overtime pay ng BI employees.
Masasabi natin na after four years ay nagkaroon din ng tamang combination ang 3 Commissioners ngayon sa Bureau.
They only have 5 months to go para ayusin ang halos ay nawasak na imahe at sistema ng ahensiya dahil kay Mison.
But I believe na sila ang mga tamang kombinasyon at persona para muling ibangon ang tunay na integridad ng BI!
Again, happiest birthday, Comm. Gilbert Repizo and for the two Commissioners of BI, good luck po!
May the good Lord bless you all!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com