Unang nagsama ang dalawa sa isang TV commercial at sinundan ng isang family drama na Yesterday, Today, Tomorrow. Sa Lakbay2Love, tambak ng hugot lines ang pelikula na ang mensaheng hatid ay ukol sa pag-aalaga ng kapaligiran.
Isang forester at biker ang role ni Dennis bilang si Jay-R habang isang videographer si Soleen bilang si Lianne na naatasang gumawa ng pagtatampok ukol sa climate change.
Napag-alaman naming pangarap pala ni Dennis na magkaroon ng biking film. Kaya naman ganoon na lamang daw ang kasiyahan niya nang i-offer sa kanya ng director/producer ang movie na si Ellen Ongkeko-Marfil ang pelikula. Kasi naman, siyam na taong gulang pa lamang daw si Dennis ay nagbibisikleta na siya.
“Mahilig talaga akong mag-bike. Ito ang madalas kong ginagawa ‘pag may free time. Kahit marami akong work at may kasabay na movie, I make time to go biking. Ito ang rest ko,” kuwento ni Dennis.
Wala naman daw ibang actor na naiisip si Direk Ellen para gumanap na Jay-R kundi si Dennis. ”He is 100 alpha male. He has no bad angle whatsoever. Dennis exudes mystery. He is a guy you cannot have, so you are hooked forever.”
Puring-puri naman si Solenn ng director dahil walang kaartehan itong ipinakita kahit nabilad sa araw at ulan. Lumabas nga raw ang pagiging real trouper nito na na-enjoy ang pakiki-jamming sa mga biker.
Sinabi ni Solenn, relate na relate siya sa karakter ni Lianne na mahilig magtanong kung saan pupunta. ”I am always questioning my path so I relate to Lianne in that way. Plus Lianne is ‘mahilig’ sa boys…Ako rin! Ha Ha Ha.”
Nag-aalab naman daw ang sensuwalidad ni Solenn sa screen, paglalarawan ni Direk Ellen. ”Solenn is softly in control and can put on the sexiest act even. But if you meet her, hmmm, she is almost childlike, an Audrey Hepburn—she, of classic innocence!”
Dagdag na aktraksiyon sa L2L ang hot newcomer na si Kit Thompson na discovery ng Pinoy Big Brother.
Ikatalong pelikula na rin ito ni Direk Ellen, nauna rito ang Pusang Gala (Stray Cats) na nagwagi ng Docker’s First Feature Award sa San Francisco Frameline Film Festival at ang ikalawa ay ang Boses (Voices) na naging bahagi rin ng ilang international film festival at nanalo ng mahigit isang dosenang awards na ipinalalabas pa rin ngayon locally at internationally.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio