Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shy, masusubok ang galing sa Tasya Fantasya

011716 shy carlos Tasya Fantasya

00 SHOWBIZ ms mHALOS magkasabay na inilunsad sina Nadine Lustre at Shy Carlos sa pamamagitan ng Pop Girls ng Viva Entertainment. Pero naunang nabigyan ng break si Nadine at malayo-layo na ang narating simula nang itambal kay James Reid. Ikinokompara ngayon si Shy kay Nadine gayundin ang pakikipagtambal ng una kay Mark Neumann na sinasabing JaDine in the making.

“Siyempre po, proud ako kay Nadine kasi sabay kaming pumasok sa Viva, sabay kaming nag-start and para makita mo na ‘yung isang kasabayan mo, ganyan na ‘yung naabot niya, siyempre sobrang happy and proud ako sa kanya kasi natutulungan niya ‘yung family niya and ‘yung dream niya, kasi parehas kaming nag-start sa commercial, so bata pa lang kami, heto na ‘yung gusto naming  maabot. So ngayon na nariyan na, very happy and proud ako sa kanya,” panimula ni Shy sa presscon ng pagbibidahan niyang handog ng Viva Communications, ang Tasya Fantasya na mapapanood sa TV5 simula February 6, Sabado.

Malaki ang pasasalamat ni Shy dahil sa kanya ibinigay at ipinagkatiwala ng Viva Communications at TV5 ang Tasya Fantasya katambal si Neumann.

“Sobrang thankful po ako, kasi matagal na rin ako sa Viva and eversince talagang binibigyan nila ako ng project para mag-improve ako. And ngayon nga, ito ang ibinigay nila, ang ‘Tasya Fantasya’, so sobrang thankful ako,” giit pa ng batang aktres.

At dahil loveteam, natanong ang dalawa kung possible kaya silang ma-inlove sa isa’t isa?

“We can become committed, too,” pagbibiro ni Neumann.

“Siyempre po since first time naming magkatrabo, susubukan naming pagandahin at maging maganda ang chemistry namin para mahalin ng mga tao. ‘Yun po ang puwede naming gawin,” sambit naman ni Carlos na hindi pa nagkaka-boyfriend eversince.

Sinabi pa ni Shy na hindi lovelife ang focus niya kundi ang trabaho. Kaya naman ibibigay niya ang lahat-lahat para naman suklian ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Viva.

Makakasama nina Neumann at Carlos sa Tasya Fantasya  sina Freddie Webb, Ara Mina, John Lapus, Candy Pangilinan, Giselle Sanches, AJ Muhlach at marami pang iba mula sa direksiyon ni Ricky Rivero.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …