Friday , November 15 2024

Monopolyo at sabwatan sa mga multi-million project sa Palawan

00 Bulabugin jerry yap jsyMILYON-MILYONG piso na naman ng mahahalagang proyekto, tulad ng paggawa ng mga tulay at kalsada, ang pinag-aagawan sa Palawan.

Pero sa kasamaang palad, isang kompanya lang umano ang  madalas nakakokopo nito – ang E. GARDIOLA Construction?!

Ayon sa ating Bulabog boys sa Palawan, ang E. Gardiola Construction ay matagal nang may sabwatan sa ilang opisyal sa kanilang lalawigan.

Panahon pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay namamayagpag na raw ang nasabing kompanya.

Nakakuha na raw ito ng P2.3 bilyong kontrata sa gobyerno.

Walastik!!!

Alam ba ni BIR Comm. Kim Henares kung gaano kalaki na ang kinita ng E. Gardiola Construction sa Palawan.

Korner na kopo pa, umano ng kompanya ang lahat ng malalaking proyekto sa Palawan.

Bakit nga ba Gob?

Umiiyak na nga raw ang ilang maliliit na negosyante at contractor dahil ang napupunta sa kanilang proyekto ay tira-tira na lang.

Ang E. Gardiola pa raw mismo ang namamahagi ng proyekto sa kanila. “Walang bidding, at kung meron man, moro-moro at biding-bidingan lang.”

Natural hindi mangyayari lahat ito kung walang basbas at tongpats ng mga opisyal ng DPWH. Noong panahon ng “pork barrel” ng negosyanteng si Janet Lim Napoles, nasangkot din umano sa anomalya sa mga kontrata ang E. Gardiola, pero hanggang ngayon ay natutulog pa rin ang nasabing kaso.

Pinaiimbestigahan din ng Bureau of Internal Revenue ang E. Gardiola dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa kabila ng kinita nitong P3.59 bilyon mula 2009 hangang 2010, base sa ulat ng Commission on Audit.

Hindi naman kataka-taka kung heto na naman ang katiwalian dahil malapit na ang eleksiyon.

Saan pa ba kukuha ng pondo ang mga corrupt na politiko kundi sa mga proyekto na sana’y napakinabangan at nagpaginhawa sa taong bayan.

Panahon na para magsagawa ng totoong pagsiyasat ang ating gobyerno sa mga ahensiya nitong nangunguna sa korupsyon. Alam ng lahat na isa ang DPWH sa may hawak ng bilyon-bilyong pisong pondo  para sa  mga impraestruktura – gaya ng eskwelahan, palengke, ospital at pabahay sa mahihirap.

Tanong nga ng mga taga-Palawan: “Saan nga ba ang “daang matuwid” sa Palawan na sinasabi ni Pangulong Aquino?”

Haay buhay talaga… kawawa naman ang taong bayan sa mga politiko at opisyal ng gobyerno na walang alam kundi sumandok ng pera ng bayan!

Baluktot ang katuwiran para sa mga mamamayang kanilang ‘ginagatasan’ (Si Pnoy at ang SSS)

SEGURIDAD para sa mga manggagawa at empleyadong nagtatrabaho sa pribadong sektor para sa kanilang mga biglaang pangangailangan, hindi inaasahang pangyayari gaya ng aksidente sa trabaho na maaaring magresulta sa pagkawala ng kakayahang makapagtrabaho pang muli o kamatayan, at hanggang sa kanilang pagreretiro.

‘Yan ang nalalaman nating layunin kung bakit itinatag ang Social Security System (SSS).

Maliit man ang nakukuhang benepisyo, pero ipinagmamalaki noon ng isang manggagawa o empleyado kapag may SSS sila. Lalo na noong nakapaloob pa rito ang Medicare. Pero ngayon ay wala nang Medicare, isinilalim na ito sa PhilHealth.

Mayabang din noon ang mga nagreretiro kasi may natatanggap silang pension mula sa SSS kada buwan.

Maliit nga lang pero parang nagiging ‘security blanket’ ng mga manggagawa at empleyado sa pribadong sector ‘yang tatlong letra na ‘yan — SSS.

Kaya naman nang pumutok ‘yang House Bill 5842 na nagdadagdag ng P2,000 sa buwanang pension ng mga retirado at pensioner’s survivor marami ang natuwa.

Sa hindi nga namang maintindihang dahilan ‘e walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at s’yempre dahil mga retirado na, marami na rin iniinom na gamot para sa maintenance ng kalusugan.

Pero ang kasiyahan nilang nakabitin sa kung ilang panahon ay tuluyang naunsiyami nang i-VETO ni PNoy ang HB 5842.

Ibig sabihin, ang HB 5842 ay aprubado sa Kamara at sa Senado pero pagdating sa Malacañang… THUMBSDOWN!

Boom PANOT ‘este PANIS!

Hindi lang lungkot kundi galit ang naramdaman ng SSS pensioners dahil sa veto ni PNoy na ang katuwiran ay ‘malulugi’ raw ang SSS kapag dinagdagan ang pension ng members.

SONABAGAN!

SSS ba ang malulugi o mababawasan ang perks & privileges ng appointed officials, Board of Directors at sandamakmak na sulsultants este consultants?!

Kapag milyon-milyong bonus nina De Quiroz at mga opisyal ng SSS, matulin pa sa alas-kuwatro ang Malacañang.

Pero kapag para sa benepisyo ng mga miyembro ng SSS na kanilang ginagatasan, okey lang gamitin ang makapangyarihang VETO ng Presidente?!

Hello! Okey ka lang, PNoy?!

Kailan ba matutuloy ang pagpapasagasa mo sa tren?!

Huwag mo nang hintayin ang eleksiyon!

Paging: Comelec

GOOD am Sir. Ask ko lng paano mkukuha voter’s ID, disable po ako. I am Gerry Aquino from Makati City. #+639366775737

PO2 Kotong sa Malate

SIR jerry concern citizen lang po. Sa Malate lagi ko pong naiispatan na kinokotongan ang mga trike driver at mga padyak boys ni PO2 Ca—— #+63928386 – – – –

Reaction kay Grace Poe

GOOD day, sa tingin ko sobrang hilaw pa c Grace Poe para pilitin niyang mamuno sa bansa na puno ng katiwalian. Hindi cya dapat magmadali tumakbo para president marami pa cyang chance sa mga susunod na halalan. Bakit b cya nagmamadali, tingnan na lng c Vilma Santos, inayawan maging kandidato sa pagka bise presdente, samantalang kaya nang manalo n Santos dahil me magandang record cya sa politika sa Batangas. Magtrabaho muna ateng Grace Poe bago mag-ambisyon nang mataas na puwesto sa gobyerno. Wala cya sa kalingkingan n Vilma Santos when it comes to  serving the Filipino people. Wala pa siyang napatunayan para magmadaling kumandidato sa Ppagka-ambisyosa tong c Grace Poe   #+63922634 – – – –

Sino ba tinutukoy mo?

GOOD am ka Jerry, kung seryoso siya sa pagsugpo sa mga criminal unahin niyang I salvage anak niyang adik jr. Plz dont publish my #+639326 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *