Friday , November 15 2024

Medical malpractice sa Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Maynila?

00 Bulabugin jerry yap jsyHABANG lumiliit ang tsansa ng maliliit nating kababayan para sa makatao, maayos at siyentipikong serbisyong pangkalusugan mayroon naman tayong mga kababayan na sinisikap makapag-avail ng maayos na medical services kaya sa mga kilalang ospital sila nagpupunta pero mas malaking desperasyon ang dinanas nila.

Isang kaanak ng isang kaibigan natin ang nagpunta umano sa emergency room ng Lourdes Hospital noong Enero 1 dahil sa matinding  ubo at sobrang taas ng lagnat.

Tiningnan naman umano ng ER doctor at agad neresetahan ng Tempra at antibiotic nang walang ano mang laboratory test.

After two days, nagbalik ang pasyente dahil hindi nagbabago ang kanyang kondisyon. Lalo pang humigpit ang kanyang pag-ubo at hindi pa rin nawawala ang lagnat.

Ang ginawa ng ER doctor, dinagdagan siya ng gamot.

Noong Enero 5, grabe na ang sikip ng dibdib ng pasyente kaya muli siyang bumalik sa Lourdes Hospital. This time, sa internal medicine doctor siya ng nagpunta. Medyo kinuwestiyon pa ng internal medicine doctor kung bakit nagreseta ng antibiotic ang dalawang naunang doctor nang wala man lang laboratory test.  Kaya akala ng pasyente, maayos at magaling ang doktor na kausap niya.

Nagreseta ng apat na klase ng gamot at ini-refer siya sa ENT para matingnan daw ang kanyang lalamunan. Ginawa naman niya ang advice ng doctor. Pero after few more days, lalo lamang naghina ‘yung pasyente at hindi nawawala ang kanyang lagnat kaya nagpunta na sa ibang ospital ang pasyente.

Doon niya natuklasan na mayroon pala siyang pulmonary tuberculosis (PTB).

At sa awa ng Diyos, nabigyan na siya ng kaukulang gamot laban sa tuberculosis.

Mantakin ninyo, nabingit sa panganib ang buhay ng pasyente dahil sa kapalpakan ng tatlong doctor ng Lourdes Hospital?!

Lourdes Hospital management, paki-check po ang lisensiya ng mga doktor ninyo at baka made in University of Recto ‘yan!

E wala namang magagawa ang pasyente kapag namatay sila, dahil ang ikakatuwiran lang naman ninyo, nanggagamot kayo sa abot ng inyong makakaya dahil hindi ninyo hawak ang buhay ng isang tao.

Baka isa lang po itong pasyente na ito na naglakas-loob na lumapit sa amin, baka mayroon pa pong ibang biktima ang mga doctor na ‘yan?!

Again, paging Lourdes Hospital management!       

Pabida ni Ms. Leila de Lima sa pol ads, hanep na hanep!

ANG dami raw accomplishment ni Madam Leila De Lima kung ‘JUSTIIS’ este justice ang pag-uusapan.

Justice without fear or favor daw ang kanyang political ads sa telebisyon.

‘Yan ang kanyang pabida. Marami umano siyang naipakulong na criminal ang tirada’y tila kayang mag-deliver ng katarungan sa pinto ng tahanan ng mga biktima.

Isa lang po ang masasabi natin d’yan…tell it to the  marines!

Aba ‘e, wala tayong natatandaan na may naipakulong siyang pumatay ng mga mamamahayag. Noong pangulo tayo ng National Press Club (NPC) ilang beses pa tayong nakipagpulong sa ‘Kagalang-galang na Kalihim’ kaugnay nang sunod-sunod na pamamaslang noon pero wala po tayong nahita.

Kaya para po sa inyong lingkod, ‘drawing’ ang TV pol ads na ‘yan ni Madam Leila.

By the way, naresolba o nakapagpaliwanag na ba si Madam Leila sa kontrobersiyal na isyu ng ‘bodyguard’ at ni ‘bayaw?’

Just asking lang po…

Saan na pupulutin si Jeremy Marquez? Aray!

Ang saklap naman pala ng kinasadlakan ng anak ni Tsong na si Jeremy.

Pinatalsik ng barangay association sa Parañaque City dahil hindi tumupad sa term sharing matapos siyang pagbigyan at suporatahan ng kanyang mga kasamahan.

Tsk tsk tsk…

E kung titingnan ninyo sa kanyang fan page sa Facebook ‘e parang napakahusay niyang lider at politiko.

Mapagkalinga at mapag-aruga rin daw si Jeremy sa mga bata, sa mga ipinakikita niya sa kanyang fan page.

Sa lahat kaya ng bata ay ganyan ang ginagawa ni Jeremy?

Lalo na ‘yung kailangan talaga niyang arugain at kalingain?!

Again, nagtatanong lang po ulit!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *