“Hindi kami nag-li-live in,” giit ni Daniel sa presscon ng Be My Lady, na isang naiibang love story ng dalawang magkaibang puso at lahi na mapapanood na simula sa Lunes (January 18).
“May kanya-kanya kaming bahay. Nagkataon lang na ‘yung ipinatatayo niyang bahay ngayon ay malapit lang sa akin, 10 minutes away. Pero like what I said we want to do it right,” sagot naman ni Erich.
“That’s why we have God in the center of our relationship,” dagdag pa ni Daniel at sinabi pang sinusunod nila ni Erich ang tradisyon ng Pinoy pagdating sa panliligaw at pagpapakasal.
Kaya sakaling gusto na nilang magpakasal, sinabi ni Daniel na mamamanhikan siya. “As a guy, I think we should. One of the most important things for me is I’m close to the family. I do not just want Erich to be close to me but I also want to be close to her family,” sambit pa ni Daniel na nagtungo na pala ng Davao para personal na makilala ang partido ni Erich.
Samantala, ang Be My Lady ay isang nakakikilig na kuwento ng certified dalagang Pilipina na si Pinang at liberated na Brazilian-Japanese na si Phil. Makakasama nila rito sa teleseryeng idinirehe ni Theodore Boborol sina Yayo Aguila, Almira Muhlach, Yves Flores, Karen Dematera, MJ Cayabyab, RK Bagatsing, Devon Seron, Karen Reyes, Mike Loren, Ana Abad Santos, Perry Escano, Marife Necesito, at ang comedy trio na No Direction.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio