Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara gustong magpabuntis muli kay Mayor Patrick

040715  Ara Mina Patrick Meneses

00 SHOWBIZ ms mSIYAM na buwan nang hiwalay sina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses pero iginiit ng aktres na maganda pa rin ang samahan nila ng ama ng kanyang anak na si Amanda Gabrielle o Mandy.

Ani Ara, “Okey kami were friends, hindi naman kami nagkagalit eh,” sambit nito nang makausap namin sa presscon ng Tasya Fantasya, ang iconic comic character na nilikha ni Carlo J. Caparas at pinagbibidahan nina Shy Carlos at Mark Neumann mula Viva Entertainment at TV5.

“Ganoon talaga ang buhay,nag-separate ways kami. Before kasi nagli- live-in kami ‘di ba? Pero umuwi na siya sa kanila. Ngayon hindi na kami magkasama pero almost every week kami nagkikita,” kuwento pa ni Ara. “Pero, I’m not closing my door (sa posibilidad na magkabalikan sila).”

Ani Ara, hindi rin niya maintindihan kung bakit nagdesisyon si Mayor Patrick na maghiwalay sila. “Wala namang third party. Wala siyang idine-date, baka nagpo-post partum siya ha! Ha!ha!. Actually hindi ko rin maintindihan kung bakit nag-decide siya (humiwalay). Pero wala naman daw siyang problema sa akin, sabi niya.

“Kasi, kung may problema sa akin hindi na kami magkikita, hindi na niya ako kakausapin, hindi kami nag-away.”

Last Christmas and New Year ay magkasama raw sila. “Ang weird ‘no? Nawi-wirduhan din ako sa status namin. Sweet naman siya sa akin. Pero wala ng romantic achuchuchu.”

Sinabi pa ni Ara na sinabihan siya ni Mayor Meneses na okey lang sakaling magpaligaw siya para sumaya siya. Subalit si Ara mismo ang ayaw dahil hindi pa raw siya handa. Mas gusto muna niyang paglaanan ng oras ang kanyang anak na isang taong gulang na gayundin ang gumaganda na namang takbo ng kanyang career.

“Happy ako ngayong 2016 kasi sabay-sabay ang trabahong dumarating. Tulad itong Tasya Fantasya, nanay ako ni Mark dito at asawa ko si Freddie Webb. Mayaman kami at ako ang magpapahirap kay Tasya. Kailangan daw kasi na young hot mommy kaya ako ang kinuha, hahaha.

“Under Viva management ako and five years na. Nakatutuwa na sabay-sabay nga ang work. May offer din ako sa GMA 7 pero hindi ko tinanggap kasi sabay sa taping ng ‘Panday’ na everyday tapos may ‘Baryo Kulimlim’ din ako for Cignal Sari-Sari Channel, kami rin i Shy ang bida roon. Kasama rin ako sa ‘Girlfriend for Hire’ na movie nina Yassi (Pressman at Andre Paras) na showing na sa February 10, tapos may indie movie pa ako na showing sa February 3, ‘yung kay Matteo Guidicelli, ‘yung ‘Tupang Ligaw’,” sambit pa ni Ara na full blast na talaga ang pagbabalik.

Nasabi pa ni Ara na gusto muli niyang magka-anak at iyon ay sa tatay din daw ng kanyang panganay, kay Meneses. “Kung sakaling wala pa, siyempre may hinahabol tayong edad, gusto kong magkaroon ng kapatid si Mandy. Kasi ang hirap naman mag-entertain ng another. Siyempre kailangan siguraduhin kung siya na talaga. At least, parehas ng tatay kumbaga. Para isa lang father nila.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …