Please don’t fool yourself Madame Leni Robredo
Jerry Yap
January 14, 2016
Opinion
‘YAN na nga ba ang sinasabi natin…
Mukhang ginagamit lang ng isang bloke na mas may malaking interes ang kandidatura ni Madam Leni Robredo.
Sino kaya ang media handler ni Madam Leni at hinahayaan nilang maging katawa-tawa ang biyuda ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo?!
Sukat ba namang ipabitbit sa Naga congresswoman ang isyu ng Freedom of Information (FOI) Bill gayong alam na alam nilang kulang na lang sa anim na buwan ang termino ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso?!
Hindi man lang ba nag-research para sa kanyang sarili si Madame Robredo na ilang beses nang nabigong maipasa ang nasabing bill dahil sa panghaharang ng mga tao, grupo o puwersang maaapektohan niyan kapag tuluyang naisabatas?
Ginamit na nila ‘yan sa kampanya noong hindi maipasa sa termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Mismong ang kampo ni PNoy na isusulong nilang maging priority bill ‘yan, pero nangyari ba?!
Hindi ba alam ni Madam Leni, na baka mismong si PNoy ay ayaw nang maipasa ‘yan lalo’t matatapos na ang kanyang termino?!
Sakali mang maisulong ito ng congresswoman, ano ang garantiya niya na maipapasa ito bago matapos ang kongreso? Dalawandaang mahigit ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na kailangan niyang makombinsi para aprubahan ‘yan.
Hindi ba’t malinaw na malayo sa katotohanan ang mga praise ‘este’ press release ni Madam Robredo?
Isa pang ipinakarga kay Madam Leni para sa kanyang press release ang reopening ng imbestigasyon sa Mamasapano incident sa Senado.
Mismong si Madam Leni ay nagsasalita na kontra sa muling imbestigasyon ng nasabing insidente?!
Bakit?
Ano ba akala ng mga nag-uutos kay Madam Leni na sabihin ang mga bagay na ‘yan, magiging “mabangong bulaklak” kapag namutawi sa kanyang mga labi?!
Hindi nila alam, na tuwing pinagsasalita nila si Madam Leni tungkol sa mga isyung ‘yan, lalo lang nilang pinabababa ang popularidad no’ng ale.
Kay Madam Leni naman, please lang po, don’t fool yourself!
Pabahay para sa mahihirap ni Mayor Edwin Olivarez garantisado na, tagumpay pa
NAALALA natin noong pag-upong pag-upo ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipinangako niyang magiging priority project niya ang Pabahay para sa mahihirap.
Katuwang ng alkalde sa kanyang proyekto ang kapatid na si Parañaque Congressman Eric L. Olivarez, ang DMCI Homes, Rotary Homes Foundation (RHF), Habitat for Humanity Philippines (HFHP), Couples for Christ Answering the Cry of the Poor (CFC Ancop) at ang South Metro Manila iHome Foundation (iHome).
Kasunod lamang ito ng naunang proyekto sa La Huerta para sa mga informal settlers.
Hindi ito kukulangin sa 200 bahay. Ito raw ay bahagi ng 5-ektrayang propriedad sa Don Galo at sa C-5 Extension Road.
Ganoon din ang kanyang proyektong pabahay sa Palanyag na mayroon na ring linya ngn koryente.
Ang naging benepisaryo rito ay ‘yung mga dating nakatira rin sa nasabing dumpsite na ini-develop ng Parañaque City gov’t sa isang desenteng pabahay.
Ibang klase talaga kapag si Mayor Edwin Olivarez ang nagsalita. Ang mga salita ni Mayor Edwin ‘e hindi pang-OPM lang.
Kaya naman hindi na nakapagtataka na unopposed ngayong eleksiyon si Mayor Edwin Olivarez.
Sulong pa Mayor!
Bakit talamak ang sugal at droga sa AOR ng MPD PS-4!?
NAGKALAT at mukhang hindi na talaga masawata ang pagkalat ng iligal na droga at kadikit pa nito ay 1602 na tila ‘nganga’ ang kapulisan sa Sampaloc Manila.
Mas inaatupag umano ng mga ‘bright boys’ ng Kuwatro ay maghukay ng ‘pangkabuhayan’ mula sa mga 1602 operators sa kanilang teritoryo?!
Isang alias TATA ALEKS KARAY-ASO ang nagpapakilalang bagman ng kuwatro ang siyang paboritong kausap ng mga operator ng iligal na sugal gaya ng mga nagkalat na latag ng bookies ng kabayo nina EDNA/ENTENG D. ROSARIO na ang tongpats ay si 1602 bagman TATA FAK-NOY PULIS FRESNEDI at kanyang konek kay Bossing Fernan sa NCRPO at national HQ sa Camp Crame.
Sa may “GULOD” hindi lang bookies ng kabayo pati STL cum weteng at Video Karera nina alias MANNY MANOK at CHARI-TONG!
Malakas din ang bentahan ng iligal na droga diyan sa Gulod na mismong ilang mga Brgy. Officals ay alam at kilala umano ang mga ‘tulak’ diyan?!
Kitang kita nga daw po sa inyong mga CCTV,tama po ba mga chairman?
Pakitanong rin pala sa bagman ng PCP commander UBA at sa Sibama PCP na si TATA JHAY-AR ikot kung saan nanggagaling ang kanilang koleksyon kada linggo.
Marami ang nagsasabing magaling naman daw ang MPD PS-4 commander na si Kernel Mannan ‘mwah mwah’ Muarip.
Saan kaya siya magaling? Sa tarabaho ‘este’ trabaho ba?
Kernel Muarip,totoo ba na t’wing lunes daw nagrereport itong si alias ALEKS KARAY-ASO sa 3 HARI ng MPD at sa media-medyahan?
Paki-explain nga ho!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com