Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Herbert at Maricel, tampok sa Lumayo Ka Nga Sa Akin

011316 Herbert maricel lumayo

00 Alam mo na NonieSHOWING na ngayong Wednesday, January 13 ang pelikulang Lumayo Ka Nga sa Akin. Trailer pa lang ay makikitang kargado ito sa riot na katatawanan. Three in one movie ito, kaya hindi dapat palagpasin ang pelikulang pinagbibidahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Maricel Soriano, Benjie Paras, Candy Pangilinan, Cristine Reyes, Antoinette Taus, at iba pa.

Sa tsikahan portion with Mayor Herbert sa treat niya sa mga taga-press na may birthday sa buwan ng January to March, inusia namin siya kung ano ang masasabi niya sa kanilang pelikula.

“Kasi, spoof ito ng mga horror movies. Talagang, una magaling si Direk Andoy (Ranay) na within a short period of time, natapos namin yung pelikula, kasi required. Tapos si Maricel was very supportive of the new cast members, sina Shy, JM, Andrew, talagang tinuturuan niya ng acting, motivation, kung ano yung dapat na reaction, etc.

“Ako naman dahil mahiyain ako e, hindi ako masyadong nag-a-assert, dahil Maricel Soriano ‘yan, you give the time and space to her. Pero siya yung nagsasabi, ‘Hindi eto gawin mo ‘to, eto sabihin mo ito, eto ire-react ko’, which is okay. Very-very supportive siya and I’m very thankful kay ate Cel din, tulad noong interviews during the meeting, sasabihin ko ulit ngayon, she was the one who recommended me to be part of the movie,” pahayag ni Herbert.

Sa unang episode nito na pinamagatang Bala Sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat: Ang Epic Action Movie ay tinatampukan nina Benjie at Candy. Sa ikalawang episode na Shake, Shaker, Shakest; Ang Epic Horror-Comedy ay sina Herbert, Maricel, at Shy Carlos naman ang mga bida. Ang ikatlong episode ay ang Asawa ni Marie: Ang Epic Baliwang Teleserye na pinagbibidahan nina Cristine, Antoinette, at Paolo Ballesteros.

Ayon pa kay Mayor Bistek, hindi pa rin kumukupas ang galing ni Maricel at isa itong total performer.

“Wala pa rin siyang kupas, e, siya pa rin e, Maricel Soriano pa rin talaga, e. Hindi mo puwedeng alisin sa kanya e. Remember na magkasama rin kami sa dalawang TV shows niya, yung Maria Maria, tsaka yung Maricel live! And kumakanta siya, sumasayaw, nagpapaiyak… talagang total performer si Ate Cel.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …