NAKAKALOKA naman ang naitsika sa amin ng isang website editor na sinita siya ni Ai Ai delas Alas dahil lang sa nai-post niya ang reaction ng Star Cinema AdProm manager tungkol sa binitiwan niyang claim na ang movie niya with Vic Sotto, Alden Richards, at Maine Mendoza ang tunay na number one sa takilya.
Talagang tinalakan daw ng komedyante ang editor at sinabing masyado itong biased at kakampi ng Dos.
Ang paliwanag naman ng editor ay kinuha lang nila ang story mula mismo sa posts ng Star Cinema AdProm.
Parang ayaw yatang masulat ni Ai Ai ang side ng Star Cinema, ha.
Bakit noong nagsalita siya, wala namang sumita sa mga editor ng pinaglabasan ng statements niya.
Masyadong maepal itong si Ai Ai gayong hindi naman siya ang pinanood ng mga tao kundi sina Maine at Alden.
Laos ka na, ‘no!
UNCUT – Alex Brosas