Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Germs, naging parang tatay ko na rin

kuya germs
THE curtains fell! Isinara na ang kurtina para sa dating telonero! At wala yatang taga-industriya ang hindi nahaplos ng kanyang kabutihan sa maraming bagay at paraan. Each has a story to tell.

At para sa mga member ng media na gaya ko, maraming kuwento at engkuwentro rin kami with the Master Showman Mr. German Moreno. Na nagsisimula pa lang gumana ang isipan ko eh, nasa kamalayan ko na dahil kasamahan siya ng tatay ko sa Sampaguita.

I-fast forward na lang natin ng mabilisan ang mga taon. Ang masasabi kong bonding days namin ni Kuya Germs ay nang umuwi na for good dito si Nora Aunor. Dahil kaming tatlo ang madalas magkasama sa mga transaksiyon sa banko, meeting with Mother Lily Monteverde at iba pang mga taong kumukuha sa serbisyo ng Superstar. Humaharap kami sa network executives. At doon ko nakita ng lubos kung paano alagaan ng Master Showman ang kanyang anak-anakan.

Ang pasalamat ko ay ang tiwala ring ipinagkaloob niya sa akin para rin siyang maging bantay sa kanyang alaga. Kaya, lahat naman ng ipinagkatiwala niya sa akin eh, sinasabi ko sa kanya. Tawagan sa madaling-araw. Maya’t mayang pangungumusta kung hindi siya makapupunta sa condo where we were staying then. O kaya, kami ang mangangalampag sa kanya sa ilang mga pangangailangan.

Nang mawala ako sa Superstar, sa kanya ako umiyak. At maraming aral ang ibinigay niya sa akin. At isa na roon eh, ang gaya niya, kahit na ano pang sama ng loob ang dalhin ko, huwag kong iwanan ang Superstar. Ngayon ko naalala na grabe pala ng iyak ko na ‘yun sa kanya. Na para lang akong umiyak sa isang tatay. The day I left the condo, after our lengthy talk sa phone, kinagabihan nasa pakikipagsaya na kami kay Mother Lily. At may mga senyasan lang kami hanggang sa uwian na. Simple lang ang sinabi niya nang ihatid ko pa sila sa sasakyan nila ng Superstar. Maaayos din ang lahat!

Such positivism! Kaya after that ‘pag magkikita kami, nagtatawanan na lang kami tungkol sa mga bagay sa kanila ng ‘Ney (Honey) niya.

Whenever he sees me, sa presscons, patatabihin kami sa kanya para sa mga kuwento. At kahit saan ko naman siya makita, talagang hindi rin ako lumalayo sa kanya.

Now,  he’s in a better place. Tulog na nga Kuya Germs in the arms of the Lord!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …