Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Totoong kinita ng movie, ilahad — hamon ng Star Cinema (Sa patutsada ni Ai Ai na dinaya sila sa box office result ng MMFF)

090815 aiai delas alas
SINAGOT ni Roxy Liquigan, Star Cinema AdProm head, ang patutsada ni Ai Ai delas Alas na dinaya ang box office result ngMMFF at sila ang tunay na nanguna sa takilya.

“Number one kami.

“In our hearts, sa puso ng AlDub Nation, sa puso ng sambayanang Pilipino, No. 1 kami.

“Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya.

‘Yan ang mataray na patutsada ni Ai Ai recently.

Gumanti naman ng sagot si Roxy and said:”Natatawa  ako sa emote na “dinaya” , “makakarma” “makikipagpatayan” at ginamit pa ang diyos sa emote.Luma na ang ganyang style. 2016 na.

“Lumaban tayo ng patas. Pinaghandaan namin ang pelikula. Binusisi. Nag shoot ng maayos at masaya. Nag todo sa promotions sa buong pilipinas.

“Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng nanood at manonood pa ng pelikula namin. Maganda ang word of mouth. Sulit sa binayad ng tao.

“Alam ng tao ang tatak Star Cinema. Pinaghirapan nina Vice, Coco, jadine, drek wenn ang movie na ito.

“Wag mong isisi sa iba kung may kakulangan kayo. Basta kami pinaghandaan namin ang filmfest ng buong puso.”

You’re right Roxy. Very true!!!

“Good Morning:) P438.9 million na ang #BeautyAndTheBestie ! 🙂 Thank You Very Much!” say pa niya.

“Ai, bakit di mo sabihin ang totoong kinita ng movie mo?” ask niya sa komedyante.

Oo nga. Kaysa magkiyaw-kiyaw siya, mag-cite siya ng figures, ‘no, nang magkaalaman kung magkano talaga ang inabot ng movie niya.

Oo nga. Kaysa magkiyaw-kiyaw ka ng walang detalye, magbigay ka ng figures, Ai Ai, para magmukha kang credible.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …