Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia, puno na ang schedules sa pagbabalik-‘Pinas

011116 Pia Wurtzbach
BABALIK na ng Pilipinas ang bagong Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa January 23 pagkatapos ng kontrobersiyal na koronasyon sa kanya  noong December 20  at pagkatapos magpa-unlak ng sunod-sunod na panayam sa mga himpilan ng radyo at telebisyon  simula noong January 4 hanggang sa kasalukuyan bilang bahagi ng kanyang reign as new Miss Universe.

Habang nasa Pilipinas si Pia, magkakaroon siya ng grand presscon sa January 24 natiyak puputaktihin ng mga tanong hinggil sa kanyang naging experience lalo na noong panahong nagkamali ng pag-announce si Steve Harvey ng totoong nagwagi sa Miss Universe pageant.

Sa January 25 naman ay magkakaroon ng grand parade na magsisimula sa AranetaCenter sa Quezon City  patungong Manila, paikot ng Makati at saka babalik  ng Quezon City.

Aba, mahaba-habang biyahe ito, huh!

Pero alam kong hindi magrereklamo si Pia dahil kilala siya bilang matiisin, isa sa mga katangiang nagustuhan sa kanya ng netizens worldwide.

Pagdating naman ng January26 ay may charity works ang Miss Universe at courtesy call kay PNoy sa January 27 at dadaan din ng Senado at Kongreso.

Sa January 28 naman ay may homecoming special sa kanya sa Smart Araneta Coliseum. At sa January 30 ay dadalo siya sa kasal nina Vic Sotto at  Pauleen Luna.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …