Kung isasapelikula raw ang life story niya, okay na gumanap sa kanyang katauhan si Eddie Garcia at younger version naman niya si Derek Ramsay. Dating PDEA chief at director ng Bureau of Corrections si General Santiago. Ngayon ay kumakandidato siyang senador sa darating na May 2016 elections. Numero unong plataporma niya ang pagsupugpo sa problema ng droga sa bansa.
“When I was the chief of PDEA, bumaba na ang percentage ng ilegal na droga sa bansa. Pero ngayon, hindi lang dumoble, talagang talamak na. It is no longer abnormally high, parang naging norm na!” Saad ni General Santiago.
Ayon pa kay General Santiago, mahalaga ang papel ng pamilya sa pagsugpo ng suliranin sa droga. “Magsisimula ang lahat ng yan sa pamilya. Marami na akong nakausap na drug addicts na ang root cause ng addiction nila ay dahil kulang sila sa pagmamahal at aruga ng pamilya nila. May mayayaman na akala mo ang ayos nang pamilya, pero may mga anak sila na drug addicts. Bakit? Wala na kasi silang oras sa mga ito para man lang ma-check hindi lang yung materyal na pangangailangan nila, pati na rin yung emotional.
“Kulang sa pagmamahal ang karamihan sa mga nagdodroga. Mahirap din yung minsan e sobra-sobra ang naibibigay nating pera sa mga anak natin, tapos kulang sa guidance naman. Nandiyan din ang peer pressure. Napapasama sa mga masasamang barkada. Pinatikim ng isa, hindi na napigilan.“I strongly believe lahat ng mga masasamang nangyayari can be prevented kung magsisimula tayo sa pamilya natin. At ang drug addiction ang talagang tututukan natin nang husto kung mabibigyan tayo ng pagkakataon sa senado.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio