Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca at Miguel, nag-level-up na ang acting

102715 bianca umali miguel tanfelix
ANG aming pakay ng Biyernes na ‘yon ay upang saksihan ang presscon para sa aabangang afternoon prime series ng GMA, ang Wish I May na magsisimula na sa January 18.

Bago ipapanood sa amin ang inihandang AVP at MTV ng serye, nag-alay muna ng dasal ang mga taong naroon led by the event host. Sa kabila nga ng pamamaalam ni Kuya Germs ng araw na ‘yon, tuloy ang itinakdang presscon which the Master Showman would have wanted.

Alam ng lahat na kahit nagka-mild stroke siya noong Enero noong 2015, gustong-gusto na niyang ipagpatuloy ang nakasanayan nang trabaho. At kung kasabihan ngang ”the show must go on” anuman ang balakid, the presscon must go on as well.

Ang Wish I May (o Wish I Maynila if only for the layout background na orasan ng munisipyo ng Manila City Hall?) ay bale ikatlong pagtatambal na ng mga bida ritong sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Una, sa Once Upon a Kiss, at ang umeere at patuloy na sinusubaybayan pa ring Ismol Family every Sunday.

Nag-level up nga lang ang teen romance nina Miguel at Bianca sa WIMdahil dramatic vehicle ito for the teen stars who will eventually get romantically trapped.

Playing their respective parents ay mga beterano na sa drama na sina Camille Pratts at Mark Anthony Fernandez. May mga much-awaited moments din sina Glydel Mercado, Alessandra de Rossi, at Rochelle Pangilinan (na OA nga lang umarte!).

HOT, AW – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …