Monday , December 23 2024

Anak ng Makati Police notoryus na trigger happy?!

072814 gunKA JERRY, kami pong mga residente dito sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City ay nangingilag sa isang alyas Francis Niko na naninirahan sa bahay ng kanyang tiyahin sa Camino Dela Fe Extension.

Trip po kasi alyas Francis, nagpapakilalang anak ng isang pulis-Makati, ang walang habas na pagpapaputok ng baril tuwing malalasing.

Noong November 20, 2015, dakong 1:30 ng madaling araw. Nasundan ito ulit dakong alas 3:00 ng madaling araw.

Nag-trip na naman si alyas Francis Niko nang magpaputok nang magpautok ng baril noong November 26, 2015 dakong  3:30 ng madaling araw; noong  December 12, 2015 dakong  5:00 ng madaling araw; noong December 25, 2015  dakong 12:15 ng madaling araw at noong madaling-araw na naman ng December 28.

Sa huling insidente po ng indiscriminate firing ng baril ni alyas Franis Niko, pinuntahan siya ni Barangay Chairman Jerry Sunga, at ng ilang tauhan ng pulisya at SWAT at ng isang reporter na taga-TV5.

Pero parang walang anumang nangyari. Na-blotter lamang sa barangay ang insidente ng walang habas na pagpapaputok ng baril ni alyas Francis Niko at tapos na. Kasi nga raw ay maimpluwensiya ang erpat na isang SPO3 sa Makati police.

Marami na pong inosenteng buhay ang nabibiktima ng ligaw na bala. Dapat mapatawan ng kaukulang parusa ang mga trigger happy na gaya ni alyas Francis Niko na tila lumaki ang ulo sa pangongonsinti ng ama.

Makarating po sana ito sa mga kinauukulan. Salamat po, Ka Jerry.

(Masyadong maselan ang isyung ito kaya kailangan po nating ilathala. Gayon man bukas po ang kolum na ito para sa panig ni alyas Francis Niko. Salamat din pos a pagtitiwala sa mga taga-barangay Guadalupe Viejo).

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *