Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, pinagkaguluhan sa Vietnam

011016 daniel kathryn kathniel

00 SHOWBIZ ms mKITANG-KITA sa video na ipinost sa Facebook ang pagkakagulo kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang lumapag ito sa airport ng Vietnam.

Nasa Vietnam ang KathNiel para dumalo sa Face of the Year Awards.Nagwagi kasi sila ng Best Foreign Actress at Best Foreign Actor sa performances nila ng natapos na ABS-CBN series na Got to Believe.

Bukod sa pagkakagulo ng fans sa pagdating ng KathNiel sa airport pa lamang, naging trending topic din ang #kathnielfaceoftheyearvietnam  saTwitter.

Pia, tiyak na ang pagdalo sa kasalang Vic at Pauleen

TINIYAK kamakailan ni Binibining Pilipinas chairperson Stella Araneta, na dadalo sa kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna si Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ani Ms. Araneta, inaprubahan ng Miss Universe organization ang extension ng pananatili ni Wurtzbach sa Pilipinas para maga nito ang ilang mga personal na bagay, kasama na rito ang pagdalo sa naturang kasalan.

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Pauleen nang malamang makadadalo ang kaibigan niyang si Pia sa kanilang kasal ni Vic. Isa kasi si Pia sa Bridesmaid ni Pauleen.

“The Miss Universe organization understands her need to be with friends and family,” ani Araneta sa isang interbyu na abala sa preparasyon para sa pagdating ni Pia sa Enero 23.

“It’s gonna be a holiday every day that she’s here. I’m sure even people from the provinces will be coming,” sambit pa ni Araneta.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …