Monday , December 23 2024

Comelec Ex-Chairman Brillantes umeepal pa

 

00 Bulabugin jerry yap jsyTAPOS na ang termino ni Atty. Sixto Brillantes sa Commission on Elections (Comelec) pero nakapagtataka ang kanyang pag-epal, as if na awtoridad pa rin ang kanyang mga salita.

Sabi nga ng Palasyo, walang maitutulong ang mga espekulasyon ni Brillantes.

E kasi naman, nanakot pa si Brillantes na kung hindi raw maaaksiyonan agad ang disqualification case nina Senator Grace Poe at Mayor Digong Duterte, malamang na magkaroon ng gulo.

Minamadali ni Brillantes ang SC na aksiyonan na raw ang mga nakabinbing kas0 para maging malinaw ang situwasyon.

Kung makapag-demand naman si Brillantes parang napakaayos ng kanyang pamamalakad sa Comelec.

Hindi ba’t sandamakmak na gulo ang nangyari noong panahon niya?!

Ilang kandidato at party-list groups ba ang ‘ginulo’ noong panahon ng pagiging Comelec chairman niya?!

Ay sus!

Putok na putok ang 3-M division noong panahon ni Brillantes, huwag niyang kalilimutan ‘yan?!

Marami nga ang nakapansin na mula nang dumikit-dikit siya kay Sen. Grace ‘e minalas na ang anak ni Inday at ni Panday.

Mukhang si Brillantes ang malaking balat ng kamalasan sa political career ni Sen. Grace.

Umaasta pang nananakot na political analyst at naglalatag ng mga prediksiyon na walang basehan?!

Pumunta ka sa Quiapo, doon ka manghula!

Hinaing ng mga binagyo at biktima ni Nona sa Laoang Northern Samar

KA Jerry, hanggang ngayon ay wala pa rin kaming koryente sa Laoang, Northern Samar. Hindi namin alam kung kinalimutan na kami ng gobyerno. Para kaming lugar na walang ibang maaasahan kundi ang sarili namin. Kunsabagay, ganito talaga ang kalagayan namin dito, sarili lang ang dapat naming asahan. Pagkatapos ng eleksiyon, wala nang pakialam sa amin ang mga naluklok sa local government. Pero dahil sinalanta kami ng bagyong Nona, umasa kami na maaawa sa amin ang national government at kami ay sasaklolohan. Pero nagkamali kami. Pakiramdam namin ay natutulog ang mga diyos-diyosan sa bahaging ito ng bansa. Wala silang pakialam kahit walang bubong ang bahay ng mga tao rito, nataon pa na panay ang ulan kahit wala nang bagyo. Wala kaming mabilihan ng pagkain. Maging ang mga paaralan, simbahan at ospital ay sinalanta ng bagyo pero mukhang balewala ito sa mga awtoridad. Ang DSWD nagbibigay ng bigas, 2 kilo, 4 na kilo hanggang 5 kilo. Ang malungkot mayroon pang nakatanggap ng de latang sardinas na expired na at mabaho na ang  laman.

Sana ay makarating ito sa kinauukulan sa pamamagitan ng kolum ninyo Ka Jerry.

Sana naman ay magising ang palasyo at iba pang opisyal ng gobyerno para saklolohan kaming mga taga-Northern Samar.

Salamat po, Huwag nap o ninyong ilabas ang number ko.

Maraming ‘Rogelio’ si Boyet del Rosario

SIR, bglang dami ang bodyguard ni Boyet del Rosario dto sa Pasay. Kumandidato lang na vice mayor biglang dumami ang Rogelio. May kaaway o atraso ba cya?

 +639052833 – – – –

‘Suhulan’ na raw ang laban sa Maynila

SIR JERRY, kinukuha na ng city hall ang lahat ng pangalan ng vendors at pamilya nilang botante. Sabi bibigyan daw ng tig-5k bawat pamilya para sure win sa election. Galing rin kaya sa katas ng vendors ang panuhol na ‘yan sir? +63919720 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *