Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Yap aka Pastillas Girl, Viva contract artist na!

011016 angelica yap pastillas

00 SHOWBIZ ms mHINDI pala inalok ng ABS-CBN para maging contract artist nila si Pastillas Girl o Angel Yap. Ito ang nalaman namin sa pocket presscon na isinagawa sa boardroom ng Viva office kamakailan.

Pero thankful si Angel sa It’s Showtime dahil ito ang naging daan para magkaroon siya ng puwang sa showbiz. Hindi naman itinanggi ni Angel na napakalaki ng exposure na naibigay sa kanya ng noontime show ng Kapamilya Network. Marami rin siyang natutuhan sa pakikisalamuha at pakikisama sa mga host ng show.

At ngayon, pinapirma si Angel ng five year contract ng Viva Artists Agency. At bago siya isalang ni Boss Vic del Rosario sa anumang show o pelikula, pinagwo-workshop muna siya.

“Gusto niya, bago nila ako isalang, prepared na po ako. Kasi sa It’s Showtime’, reality search siya for finding Mr. Pastillas. Walang acting na naganap.

“Ngayon kailangan kong maipakita kung anong mayroon ako as Angelica. Kasi po hindi po talaga ako marunong kumanta, pero sa sayaw okey po ako. And siyempre kailangan kong pagbutihin ‘yung acting ko. At para ma-sure kung talagang kaya ko na rin ang acting,” ani Angel na sinabing ayaw na muna rin niyang makipagrelasyon dahil mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang career.

Sinabi pa ni Angel na alam ng It’s Showtime family ang desisyon niyang pagpasok sa Viva at maligaya naman daw ang mga ito sa naging desisyon niya.

Naikuwento pa ni Angel na wala naman daw talaga rin siyang kontrata saIt’s Showtime dahil kumbaga eh segment lang iyong ginawa niya roon.

Hindi naman daw talagang gustong mag-artista ni Angel noon. Dahil sa Masscom sa FEU ang course niya, mas gusto raw niya sana na behind the scene o scriptwriting ang pasukin niya. ”Pero naging realistic na rin kasi ako na parang lahat gusto na ring mag-artista, gustong sumikat. Kaya lang ‘pag college ka na looking forward to your future ang iniisip mo,” giit pa ni Angel na kung tutuusin ay hindi na bago ang showbiz sa kanya dahil ang ina niyang si Theresa Hernandez ay dating dancer at kasabayan ninaWowie Roxas at Joy Cancio.

Kaya huwag magtaka kung one of these days ay mapanood na natin si Angel na umaarte sa serye ng TV5 o ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …