Monday , December 23 2024

PNP ‘Kamote’ laban sa riding-in-tandem

072314 dead tandemWALA ba talagang magagawa ang Philippine National Police (PNP) laban sa notoryus na riding-in-tandem, gun for hire man o holdaper?!

Tapos na ang holiday season pero mukhang ayaw pa rin magpahinga ng mga notoryus na riding-in-tandem.

Sa Caloocan City, isang malapit sa pamilya ang nabiktima ng holdaper na riding-in-tandem diyan sa Barangay San Jose sa bahagi ng La Loma cemetery.

Biglang hinablot ng riding-in-tandem ang bag ng biktimang babae. Pagkatapos mahablot ang bag, aba, gusto pang balikan at tila gustong saktan ang biktima. Mabuti na lamang at mabilis na siyang nakaalis sa lugar.

Sa Evacom naman, isang kaibigan ng Bulabugin ang inagawan ng wallet ng riding-in-tandem din. Wala na rin nagawa ang biktima nang humarurot ng takbo ang mga kriminal.

Hindi pa alam ng mga biktima kung mayroong lalabas na kuha ng CCTV camera. Ang tanging saksi sa ginagawang pambibiktima ng mga notoryus na riding-in-tandem.

Iisa lang ang paulit-ulit nating ipinaaalala sa mga awtoridad. Police visibility ang isa sa maituturing na deterrent laban sa kriminalidad.

Kung mayroong mga pulis na makikita sa mga pampublikong lugar, tiyak na magdadalawang-isip ang mga kriminal para isakatuparan ang mga plano nila.

Kung naisaktauparan man, at least mayroong awtoridad na hahabol sa mga kriminal.

Paging PNP chief, Gen. Ricardo Marquez, mukhang nalimutan na ng mga pulis ninyo ang unang-unang atas ninyo nang maupo kayo — POLICE VISIBILITY!

Tatanggapin na lang ba ninyo na talagang nangangamote kayo kontra riding-in-tandem?!

Paano na ang mga taong dapat ninyong ipagtanggol?!

Galaw-galaw naman diyan, Gen. Marquez!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *