Friday , November 15 2024

PNP ‘Kamote’ laban sa riding-in-tandem

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA ba talagang magagawa ang Philippine National Police (PNP) laban sa notoryus na riding-in-tandem, gun for hire man o holdaper?!

Tapos na ang holiday season pero mukhang ayaw pa rin magpahinga ng mga notoryus na riding-in-tandem.

Sa Caloocan City, isang malapit sa pamilya ang nabiktima ng holdaper na riding-in-tandem diyan sa Barangay San Jose sa bahagi ng La Loma cemetery.

Biglang hinablot ng riding-in-tandem ang bag ng biktimang babae. Pagkatapos mahablot ang bag, aba, gusto pang balikan at tila gustong saktan ang biktima. Mabuti na lamang at mabilis na siyang nakaalis sa lugar.

Sa Evacom naman, isang kaibigan ng Bulabugin ang inagawan ng wallet ng riding-in-tandem din. Wala na rin nagawa ang biktima nang humarurot ng takbo ang mga kriminal.

Hindi pa alam ng mga biktima kung mayroong lalabas na kuha ng CCTV camera. Ang tanging saksi sa ginagawang pambibiktima ng mga notoryus na riding-in-tandem.

Iisa lang ang paulit-ulit nating ipinaaalala sa mga awtoridad. Police visibility ang isa sa maituturing na deterrent laban sa kriminalidad.

Kung mayroong mga pulis na makikita sa mga pampublikong lugar, tiyak na magdadalawang-isip ang mga kriminal para isakatuparan ang mga plano nila.

Kung naisaktauparan man, at least mayroong awtoridad na hahabol sa mga kriminal.

Paging PNP chief, Gen. Ricardo Marquez, mukhang nalimutan na ng mga pulis ninyo ang unang-unang atas ninyo nang maupo kayo — POLICE VISIBILITY!

Tatanggapin na lang ba ninyo na talagang nangangamote kayo kontra riding-in-tandem?!

Paano na ang mga taong dapat ninyong ipagtanggol?!

Galaw-galaw naman diyan, Gen. Marquez!

Pamilya Ong ng Laoang Northern Samar walang ginagawa sa mga nasalanta ng Bagyong Nona

Bigong-bigo ang mga kababayan natin sa Laoang Northern Samar, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring koryente sa kanilang lugar.

Marami pa rin ang hindi man lang mabubungan ang kanilang mga bahay dahil sa kakapusan ng tulong ng lokal na pamahalaan.

Ang provincial government naman ay nakatuon lang umano ang pagtulong sa bayan ng Catarman dahil ito lang ang nakita sa tele-bisyon.

Wala umanong tulong na nakararating mula sa provincial government para sa mga taga-Laoang.

Ano ang ginagawa ng pamilya ONG sa Laoang para sa kanilang mga kababayan?

Ang kasalukuyang alkalde na si Madeleine Mendoza Ong? Ang kanyang in-laws na pawang may posisyon sa gobyerno na sina congressman Emil Ong At kapatid na si Jose Ong?!

Ang DSWD?! Ano ang ginagawa ng DSWD?

Namamahagi ng mga bulok na de lata at mabahong bigas?!

Katuwiran ng DSWD, gutom ang mga bibigyan nila ng expired na de lata at mabahong bigas kaya tiyak walang aangal.

Hoy! Mahiya kayo!

Huwag ninyong pagsamantalahan ang mga taong nangangailangan.

Huwag ninyong hintayin na GABAAN kayo!                         

Isang mapayapa, ligtas at banal na Traslacion sa Poong Nazareno

Sa pagsisimula nang linggong ito ay nakita na natin ang iba’t ibang paraan ng debos-yon ng ating mga kababayan.

Taon-taon ay maraming deboto ang sumasama sa traslacion.

Sa taong ito, muli nating hangad ang mapayapa, ligtas at mataimtim na traslacion sa prusisyon ng Poong Nazareno.

Mula sa Pahalik hanggang sa traslacion at muling pagbabalik Basilicia Minor (Quiapo Church).

Sa lahat po ng lalahok, panatilihin po natin ang kaayusan…

Sa Poong Nazareno, isang pasasalamat po sa inyong patuloy na patnubay at pagbababas sa aming lahat.

Attn: Caloocan City Engineering!

SIR Jerry dto sa Bgy 89 Asistio St. corner 6th St. nakabukas pa rin ang manhole since October pa wala nang gumagawa. Iniwan nilang nakatiwangwang at nilulumot na. Walang paki ang Caloocan city hall kung may mahulog sa butas na ‘yan. +639182855 – – – –

Mag-ingat sa mga ‘buwaya’ sa Lagusnilad

GOOD day po. Holiday Dec. 30 ng hapon… naholdap kami ng pulis at enforcer jan sa loading station ng jeep sa Lagusnilad. Walang trapik pero sila ang nagpapatrapik kc pinapara nila ang naliligaw na private vehicle sa kaliwang side ng kalsada kc sa kaliwa ang loading area ng jeep jan sa Lagusnilad. Tatakutin ka muna na 2k ang babayaran sa violation na “wrong entry” tapos sasabihing dahil Pasko 500 na lang. At para ndi ka maabala bigay mo nlng 500 sa kanila. Sila na bahala mgbayad sa city hall. Isusulat lang dw pangalan sa ticket pero ang lisensya ibabalik sa yu agad. Mga nahuhuli nila mga galing sa malayo. Mamamasyal lang sa Rizal Park. Gaya q na bihirang nadaan jan at hndi kabisado ang daan. ‘Yung baon namin sana sa pamamasyal napunta sa kanila. ‘Yung kasabay namin na naka-motor din mangiyak-ngiyak kc wala dala pera. 2k pa ang ticket. Hays… +63915393 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *