Saktong nanalo ang JuanEUKonek ng ikalawa nitong Best TV Program (regular category) sa ikalawang taong anibersaryo nito,
Ayon kay CFO Executive Director Undersecretary Mary Grace Tirona, nanalo ang JuanEUKonek dahil sa pagpapakita nito ng pinagkaiba-iba ng mga buhay ng mga Filipino sa Europa mula sa au pairs (mga Filipino na nakatira isang host family base sa isang equal at mutual agreement), mga Pinoy nurses, mga Filipino achievers at pati na mga miyembro ng third sex, na tampok sa isa sa mga episodes na nagpanalo sa programa.
Tinanggap ng executive producer at host nito na si Rose Eclarinal ang award para sa fellow presenters nitong sina ABS-CBN Middle East and Europe Bureau Chief Danny Buenafe and Legal Consultant at community leader Gene Alcantara.
Samantala, nakamit naman ng TFC@theMovies ang pangalawa nitong award para sa exclusive production nitong EDSA Woolworth, isang kuwento ng pamilyang magkakaiba ang pinagmulan at pinaniniwalaan ngunit nanatiling buo dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. “Ang EDSA Woolworth na prodyus nina ABS-CBN Global Chief Operating Officer Rafael “Raffy” Lopez at ABS-CBN Corporation Chief Content Officer, President ng ABS-CBN University, at Executive Adviser to the Chairman Charo Santos-Concio sa ilalim ng direksyon ni John-D Lazatin, ay ang pangalawang award na ng TFC@theMovies simula noong unang beses itong nanalo para sa kauna-unahang pelikula nitong “A Mother’s Story” sa ilalim ng film category.
Ayon naman sa lead actress na si Pokwang na tumanggap na award kasama ang real at reel-life partner na si Lee O’ Brian, “Pinapakita ng EDSA Woolworth ang pagmamahal ng pamilyang Filipino. Pagdating sa pamilya, wala tayong inuurungan. Dito natin na-realize na hindi madali ang buhay ng mga migrante. Nagpapadala sila tuwing Pasko pero hindi natin alam ang pinagdadaanan nila.”
Ang JuanEUKonek ay isang programang nilikha ng JREM exclusively para sa TFC at ipinapalabas sa TFC sa Europe at Middle East at sa ABS-CBN News Channel (ANC). Mapapanood naman ang “A Mother’s Story” sa TFC.tv. Para sa kumpletong winners, bisitahin ang www.cfo.gov.ph.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio