Sunday , December 22 2024

Ang Bagong Taon at si LJM

USAPING BAYAN LogoUNA sa lahat ay binabati ko kayo mga mahal na mambabasa ng isang Mapagpala na Bagong Taon. Harinawa ang taon na ito ay maging puno ng biyaya at suwerte para sa atin lahat. Maging daan na rin sana ito sa ikabubuti ng bayan at ikapagbabalik ng mga namumuno sa katuwiran at kabutihan ng loob. Maging simula sana ito ng magandang bukas para sa lahat lalo na sa mga dukha, pinagkakaitan at inaapi. Muli isang mapagpala na Bagong Taon sa atin.

* * *

Sa pagpanaw kamakailan ni Gng. Leticia Jimenez Magsanoc, ang editor-in-chief ng Philippine Daily Inquirer, ay natapos ang isang makabuluhang panahon ng pamamahayag sa Filipinas. Si LJM, ito ang tawag sa kanya sa daigdig na kanyang ginagalawan, ay nagsilbing ningas ng malayang pamamahayag sa panahon ng diktadurang Marcos.

Sa pamamagitan ng kanyang mga panulat lalo na sa pamosong “Mr. and Ms.” ay naging tinik siya laban sa diktadura at nagsilbing inspirasyon sa pagkilos ng makabayang burgesya. Matapos mapatalsik sa poder si Ferdinand Marcos noong 1986 ay kinilala si LJM ng mga responsableng mamamahayag bilang isa sa mga tagapag-ingat ng sulo ng EDSA.

Bilang mamamahayag, lalo na habang nagsisilbi siya na pinunong editor ng PDI, ay ipinadama niya sa kanyang mga pinamumunuan ang kahalagahan ng pagiging tapat sa bokasyon. Hindi siya kailan man umasta na isang amo kundi isang ina na palagiang nalalapitan. Tiyak ko na naramdaman ng lahat ang kanyang init sa pakikipagkapwa at katapatan lalo na sa mga pagkakataon kung kailan may pulong ang Kagawarang Editoryal ng PDI.

Malaking kawalan sa larangan ng pamamahayag ang Panamanian ni LJM. Harinawa ay maging inspirasyon ang buhay na halimbawa niya sa mga ibig sumunod sa kanyang yapak.

* * *

Sa unang bahagi ng taon na ito ay pasisinayaan ng inyong lingkod ang bago kong website, www.pingkian.com, na maglalaman ng mga kuro-kuro, palagay at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga naglalagablab na isyu na bumabalot sa ating bayan. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Sana ay abangan ninyo ang pormal na pagbubukas sa publiko ng pingkian.com

* * *

Nakikiramay ako sa mag-asawang Abner at Odette Galino dahil sa pagyao ng kanilang ama na si Pedro Dumantay Macaraeg na mas kilala sa tawag na Mang Pedring.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *