Friday , November 15 2024

Rider patay, angkas kritikal sa SUV

PATAY ang isang lalaking lulan ng motorsiklo habang kritikal ang kanyang kapatid makaraang banggain ng SUV sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Richie Claraval, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang namatay na si Benjamin Abundo, 35, empleyado ng pest control company, ng Wallnut St., Brgy. West Fairview, Quezon City. Habang nakaratay sa East Avenue Medical Center ang kanyang sugatang kapatid na si Junjun.

Agad sumuko ang driver ng Ford Escape SUV (WJO- 243) na si Eve Margarette Kuroke, 24, college student, residente ng B6, L29 Ephesus St., North Olympus, Novaliches ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO2 Alfredo Moises, traffic investigator, naganap ang insidente sa De Leon St., Brgy. Holy Spirit ng lungsod dakong 10:56 p.m.

Nabatid sa ulat, kapwa tumatakbo sa magkahiwalay na direksyon ng kalye ang mga biktima at ang suspek nang biglang pumaling ng direksiyon ang SUV dahil umano sa pag-iwas.

Bunsod nito, napunta ang SUV sa kabilang linya at nasalpok ang motorsiklo.

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide, serious physical injuries with damage  to property.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *