CERTIFIED gatecrashers ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez nang agaw-eksenang kumanta ang Asia’s Songbird sa isang kasal while spending the holiday vacation on Boracay island.
Sa kanila kasing beachcombing, napansin ng couple na nagkakasayahan sa beach. Reception pala ‘yon ng kasal na umaalingawngaw ang lakas ng dance music.
Incognito malapit sa pinagdarausan ng okasyon, inudyukan ni Ogie si Regine na sumampa sa makeshift stage at kumanta, na siyang ginawa naman ng kanyang maybahay.
Kuwento ni Ogie sa grand presscon ng aababangang Born To Be a Star ng Viva TV at TV5 kamakailan, ”Naloka ang mga tao. Pati ang mga bakla, naloka!”
Kinanta ni Regine ang I Will Survive to the delight of the audience. Maya-maya, umalis na rin daw ang mag-asawa sa pagtitipon.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III