Ayon kay Andrew, nasa ospital pa rin ang kanyang tita at sumasailalim sa therapy. ”Medyo okey naman po ang response niya sa therapy. Nasa hospital pa rin po siya, mga two or three months na siya roon para mas maalagaan po,” kuwento ni Andrew na kasalukuyan pa lang nag-aaral ng Entrepreneurship kaya hindi ganoon ka-active sa showbiz.
Ani Andrew, nakakakain na ang kanyang tita pero hindi pa rin daw nito maigalaw ang kaliwang kamay. ”’Yung memory po niya hindi pa rin ganoon kaayos. Hindi pa rin po siya nakakakilala. Hindi pa po naibabalik talaga ang memory niya,” kuwento pa ng binata na gumaganap na isa sa mga anak nina Maricel Soriano at Mayor Herbert Bautista sa second episode na pinamahalaan ni Direk Andoy Ranay, ang Shake, Shaker, Shakest.
Napag-alaman pa naming gagawan ng bagong kuwarto ni Alfonso, apo ni Amalia kina Albert at Liezel, ang kanyang sa bahay nito sa New Manila. Si Alfonso na pala ang nakatira roon sa bahay ni Amalia at nais nitong iuwi na ang kanyang para roon na mas maalagaang mabuti. Bale roon na magpapagaling si Amalia na mayroong sariling nurse at therapist.
Hindi nga naman biro ang gastos sa ospital kahit sabihin pang mayaman ka. Hangad namin ang mabilis na paggaling ni Ms. Amalia.
Sa kabilang banda, masaya si Andrew na mapasama sa Lumayo Ka Nga Sa Akin lalo na sa episode pa nina Marya at Bistek. ”Hindi po ako natarayan ni nanay (Maricel). Mabait po siya. Kapag wala nga po kaming take, nagpupunta silang dalawa ni Mayor sa tent namin at doon kami nagkukuwentuhan, naglalaro, nagbibiruan. Masaya po kami sa shooting.”
Kitang-kita naman na tila naging close na nga sila Marya gayundin ng gumaganap niyang kapatid sa pelikula na si JM Ibanez.
Ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ay unang handog ng Viva Films na mapapanood na sa Enero 13.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio