Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Working attitude ni Cristine nabago, simula nang magka-anak

010616 cristine reyes ali baby

00 SHOWBIZ ms mPURING-PURI ni Direk Chris Martinez ang working attitude ngayon ni Cristine Reyes. Magkasama ang dalawa sa ikatlong episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films, ang Asawa ni Marie na mapapanood na sa Enero 13.

“Ang bait-bait na niya. Very professional na si Cristine at ang gaan-gaan na niyang katrabaho. Malaki na talaga ang ipinagbago niya,” anang director na una silang nagkatrabaho sa pelikulang The Gifted with Anne Curtis.

Sinabi pa ni Direk Martinez na, “Mas nicer ngayon si Cristine siguro dahil sa mother na rin siya at talagang mapupuri mo siya dahil pagdating niya sa set, talagang nakahanda na siya.”

Iba nga naman ang nagagawa ng nagkakaanak at may inspirasyon. Siguro’y mas humaba ang pasensiya ngayon ni Cristine at nabawasan na ang medyo pagkamataray nito.

Kaya hindi nakapagtataka kung after nitong Lumayo Ka Nga Sa Akin ay mayroon na kaagad kasunod na proyekto mula pa rin sa Viva.

“May gagawin kaming pelikula ni Cristine kaya busy kami sa pagpi-prepare nito na sisimulan na namin this January,” tsika naman ni Direk Mark Meily. “Hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano iyon pero maganda at isang malaking pelikula.”

Ikinatutuwa naman ni Cristine ang mga blessing na dumarating sa kanya ngayon na bukod sa pelikula’y mayroon pa siyang TV show sa ABS-CBN na magsisimula na ring umere.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …