Friday , November 15 2024

Macau OFW timbog sa bala

NAUNSIYAMI ang pagpunta sa Macau ng isang manggagawang Pinay matapos matambad sa X-ray scanner ang bala ng kalibre .45 baril sa kanyang bag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon.

Kahit maraming balita tungkol sa nakukuhang bala sa mga bagahe ng pasahero, hindi naging maingat si Gina Maliwat, 34, ng Talavera, Nueva Ecija, at nakitaan ng bala sa loob ng side pocket ng kanyang shoulder bag makaraang dumaan sa security x-ray machine.

Ayon sa Aviation Security Group ng Philippine National Police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, paalis si Maliwat papuntang Macau nitong Enero 2, via Philippine Airlines flight PR352 nang makita ng Office for Transportation Security (OTS) X-ray operator Eric Casuple ang bala sa kanyang brown shoulder bag.

Nang masuri ni screener Erwin Bautista sa harap nina airline security representative Aldrin Armada, Aviation police PO3 Regente Pascasio at Airport Police Department AP1 Eduardo Poblete, tumambad ang bala sa kanyang bag.

Kinuhaan ng retrato ng mga awtoridad ang X-ray monitor para hindi mapagbintangan na “laglag-bala scammer.”

Walang maipakitang mga dokumento para sa bala si Maliwat nang imbestigahan ng mga awtoridad.

Pinakawalan din ang pasahero matapos imbestigahan. 

About G. M. Galuno

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *