Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick Monasterio, maganda ang pasok ng 2016!

112015 derrick monasterio

00 Alam mo na NonieISA sa young actor na hahataw para sa simula ng taong 2016 ay si Derrick Monasterio. Bukod kasi sa bagong soap opera sa GMA-7, nakatakda rin ang hunk actor na ito na mag-release ng bagong album para sa taong ito.

Nang uisain namin ang talent manager niyang si Manny Vallester kung ano pa ang mga bagong dapat asahan ng fans ni Derrick, sinabi niyang kapipirma pa lang nito ng kontrata para sa Regal Films. Kaya very possible na mapapanood na rin siya very soon sa movie company ni Mother Lily Monteverde.

Anyway, balita namin ay next month na eere angTV series na The Abandoned na bukod kay Derrick ay tatampukan din nina Bea Binene at Jake Vargas, at iba pa. Papalitan ng naturang soap opera ang Buena Familia sa Afternoon Prime block ng Siyete.

Ayon naman kay Derrick, kabilang sa kanyang New Year’s resolution ang mas pagbibigay-pansin sa pag-improve sa kanyang sarili para mas matutukan daw ang showbiz career niya.

“Gusto kong parang magkaroon ng holistic change, na over-all change na talaga. Like parang, I’ll strengthen my skills kumbaga and babaguhin ko lahat ng bad habits ko,” saad ni Derrick.

Incidentally, gusto kong kunin ang pagkakataomg ito para pasalamatan sina Derrick at Manny sa kanilang pagpunta sa Christmas party ng grupo naming ‘D Entertainment Media Carolers Team na ginanap sa Music 21 last December 28. Salamat din sa pakimkim na ibinigay nyo sa aming carolers sa pamamagitan ni katotong Glenn Regondola.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …