May balita noon na na-dissapoint si Ogie sa nangyaring pagkawala ng TV Entertainment ng TV5 pero itinanggi ito ni Ogie. Aniya, ”Hindi naman ako na-dissapoint pero siyempre, naghihintay ako ng earth-shaking experience na ano ba ang puwedeng mangyari. Eh ganoon talaga, eh. Limitado ‘yung talents namin noon, eh, sa TV5. Kami-kami lang, eh. Noong dumating ako, nariyan lang si Sharon (Cuneta), si Derek (Ramsay), si Aga (Muhlach), paalis na. So, wala kang magagawa, wala kang talents, eh. And then, of course, the newcomers.”
Sa pagsasama ng TV5, sinabi pa ni Ogie na, ”Maganda, maganda. Unang-una, si Boss Vic, hindi naman iba sa akin ‘yun, ninong din namin sa kasal ‘yun, tapos parang tatay na rin ni Regine (Velasquez, his wife) ‘yun, ‘di ba?”
Very positive rin si Ogie sa naturang merging.
Samantala, talent ng TV5 si Ogie kaya natanong din ang magaling na singer kung may separate contract ba siya sa Viva Entertainment.
“Hindi, sakop na rin nila ‘yun (his contract with TV5), kasi si Boss Vic (del Rosario) na ang boss namin, ‘di ba? Siya ‘yung pinaka-boss namin ngayon pero ako, under TV5,” ani Ogie.
Idinagdag pa ni Ogie na, ”Kasi, nariyan na ‘yung mga talent, nandiyan na sina Richard (Gutierrez), Claudine (Barretto), Mark (Bautista). Eh dati, paggalaw mo, ‘yun na ‘yun. Wala ka nang ibang makikita. Eh ngayon, uy, may mga bagong artista na, so may laban na ng kaunti.”
Sa kabilang banda, nakatatawa naman ang kuwento ni Ogie ukol sa pag-gate crash nilang mag-asawa (Regine) sa isang kasalan sa Boracay.
“Hindi, kasalanan ko ‘yun, kasi, sabi ni Michelle (Van Eimeren, his ex-wife) at saka ni Mark, ‘yung asawa, sabi niya, may bar doon, sa may dulo raw ng island.
“Sabi ko, saan doon? Hindi naman namin alam. So, nilakad namin, na ang layo-layo, may mga kuweba pa. Basta sa dulong-dulo.
“So, inabot na namin, Spider Bar or something, maganda naman siya. Siyempre pabalik, malayo, ‘di siyempre, akyat na naman kami ng kuweba.
“Eh may wedding, nagsasaya, parang bored ‘yung mga tao. Sabi ko sa kanya (Regine), ‘dare kita, umakyat ka roon.’ Umakyat ang lola mo.
“Actually, ‘yung banda, naloka nang makita kami, gumaganyan-ganyan lang kami (pumapala-palakpak), so ‘yun na.”
Bigla na nga lang kumanta si Regine at naloka raw talaga ang mga tao.
“Gatecrash talaga. Ang saya, nakatutuwa,” kuwento pa ni Ogie.
Anyway, sa Feb. 6 na mapapanood ang Born To Be A Star at open ang auditions sa male and female applicants, edad 13-18. Ang audition venues at dates ay ang mga sumusunod—SM City Bicutan, Jan. 9 & 10; SM City Sta. Mesa, Jan. 16 & 17; SM City San Mateo, Jan. 23 & 24; at SM City Novaliches, Jan. 30 & 31. Magkakaroon din ng limang audition legs sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Cebu, Davao, Batangas, Dagupan, at Metro Manila simula sa March.
Kasama rin sa show bilang mga hurado sina Pops Fernandez, Rico Blanco, Aiza Seguerra, at Andrew E.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio