Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens na-stranded na, nabasa pa ng ulan sa GMA countdown

071015 rain ulan window
HINDI nakisama ang panahon noong December 31, ilang oras kasi bago namaalam ang 2015 ay bumuhos ang manaka-nakang ulan.

Lalo pang lumakas ang ulan late night hanggang pasadong hatinggabi kaya naman nagmistulang mga basing sisiw ang mga taong nanood ng countdown to 2016 ng GMA sa open grounds ng SM Mall of Asia.

Kuwento ito ng aming mismong kapatid at bayaw makaraang ihatid kami pauwi ng Pasay City mula sa Molino, Cavite. On their way back home ay bumulaga sa kanila ang laksa-laksang stranded sa kalsada sa kasagsagan ng ulan.

Kabilang doon ang mga batang karay-karay ng kanilang mga magulang, all drenched.

Dahil sa awa, isinakay ng aming kapatid sa kanilang sasakyan ang dalawang batch ng mga stranded, isang gupo rito ay mga kapatid nating Muslim sa Taguig City.

Ayon sa grupo, first time nilang manood ng naturang year-end program. At hindi na raw mauulit ‘yon.

Taon-taon naman kasi—umulan man o hindi—pamilyar na ang tanawing nagkalat sa mga kalye ang mga galing ng MOA para sa countdown ng GMA.

Moral lesson: sa TV na lang sa bahay manood sa susunod na taon!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …