Friday , November 15 2024

Driver patay, pasahero sugatan (Taxi sumalpok sa poste)

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 63-anyos taxi driver habang sugatan ang kanyang pasahero makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng signages sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Enforcement Unit, Sector 5, kinilala ang namatay na si Isidro Gayagot, ng C. Bernardino St., Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Habang sugatan ang pasahero niyang si Mary Grace Padilla, 23, may asawa, ng Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alfredo Moises III, dakong 10 p.m. nang mangyari ang insidente sa Commonwealth Avenue, malapit sa Central Avenue, Brgy. New Era, ng lungsod.

Minamaneho ni Gayagot ang kanyang taksing Toyota Vios sedan (UVY-345) sakay si Padilla galing Fairview patungong Philcoa, pagsapit sa lugar ay nawalan ito ng kontrol at sumalpok sa steel post signages na nakatayo sa lugar.

Sa lakas ng impact, nayupi ang unahang bahagi ng taxi kaya humampas ang katawan ni Gayagot sa manibela bukod pa sa pagkaipit ng dalawang binti dahil pumaloob ang makina ng taxi sanhi ng pagkakasalpok.

Nahirapan ang rescue team na makuha si Gayagot dahil sa pagkakaipit bago isinugod sa East Avenue Medical Center ngunit hindi na umabot nang buhay.

Isinugod din sa naturang ospital ang pasaherong babae dahil sa iniindang pananakit ng katawan at upang malapatan ng lunas.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *