Ani Aiza, towards the end of the year nila gagawin ang proseso dahil kinakailangan pa nilang mag-ipon. Sa Amerika isasagawa ang proseso.
“We have to be there in the States for two months dahil ang mangyayari is, sa akin kasi manggagaling ‘yung eggs. So, ‘yung eggs ko, kailangang pare-pareho sila ng laki, para pag-gather nila ng eggs, pantay-pantay.
“And then, they will store it, they will freeze it, and by the time, siyempre by then, mayroon na rin kaming donor,” paliwanag ni Aiza sa prosesong gagawin na ang egg niya ang napiling gamitin dahil gusto naman daw niyang magkaroon ng masasabing anak din niya. Si Liza nga naman ay mayroon ng anak sa unang nakarelasyon.
Bale, kapag nakakita na ng guy na donor, pagsasamahin ang eggs niya at ang sperm ng guy at pagkatapos ay magpo-form ng embryo at doon na ipapasok sa ovary ni Liza. Kaya si Liza ang magdadala ng magiging anak nila sa loob ng siyam na buwan o hanggang sa manganak ito.
Sinabi pa ni Aiza na makapipili sila ng donor na kailangan talaga nilang i-check mabuti ang background, race, at physical looks. At kung si Aiza ang tatanungin sa gusto niya, dapat ay artistic ding tulad niya ang donor.
Naikonsulta na rin pala nina Aiza at Liza sa doctor nila ang tungkol sa pagpapa-IVF nakapagpa-check na rin sila.
“I had myself checked last year, okay naman, my eggs are fine – unused but fine, and Liza’s okay also. So, ‘yun na lang ang hinihintay namin, ‘yung matagal nga kaming mawawala at kailangan din ng time kahit paano at makapagdiskarte rin kami ng work.”
Aabutin daw ng $11,000 ang procedure na inaasahan niyang magiging matagumpay sa unang try dahil kung hindi, mas malaking gastusin ang mangyayari. ”Basta sana, at least, mayroon kaming P1.5 million.”
Si Aiza ay isa sa hurado ng Born to be a Star at kasama rin niyang judges sinaPops Fernandez, Rico Blanco, at Andrew E. na iho-host ni Ogie Alcasidkasama sina Yassi Pressman at Mark Bautista.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio