ISANG kasama sa panulat ang nakapagbulong sa amin kung paanong unti-unting napapansin ang pagiging makunat (read: kuripot) ng isang sikat na male personality na ito.
Bago naghiwalay ang taon ay nag-promote pa ng pelikula ang aktor. Ang inakala ng entertainment press na isang okasyon na mamamahagi kahit paano ng kaunting biyaya ang aktor na ‘yon ay nanatiling isang akala lang.
Then came a network party, na ayon sa aming source, ay wala rin daw inilabas mula sa kanyang bulsa ang makunat na aktor.
Itago na lang natin ang aktor—na milyon-milyong piso na ang net worth ngayon—sa alyas na Richie Walden.
( Ronnie Carrasco III )