Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jomari, susubukang kumarera sa politics

010416  Jomari Yllana
POSSIBILITIES are looking great!

Hindi namin “nahuli” ang abala na ngayon sa pag-iikot sa kayang distrito sa Parañaque na si Jomari Yllana! Na papasukin ang mundo ng pagiging konsehal.

Kahit nakalimutan o nakaligtaan nitong tumapak sa Quezon City para sa kaliwa’t kanang parties ng entertainment press, hindi naman daw ibig sabihin niyon kinalilimutan na niya ang mga taong nagdala rin sa kanya sa pagiging isang Guwaping na aktor niya.

Ngayon nga lang daw siya nakahanap ng mga araw ng pahinga dahil kaliwa’t kanan din ang mga dinadalaw niyang barangay sa Parañaque.

Nautuwa naman si Jom sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga nakasasalamuha niyang mga tao. And there were even instances na nakakasama niya ang ex-wife niyang si Aiko Melendez at anak nilang si Andre sa pagdalo sa ilang aktibidades na may kinalaman sa kanyang pagtakbo.

Wala na bang akting? Wala na ba uling karera?

“I have decided to take this opportunity. Kilala mo na rin naman ang takbo ng utak ko. Kung gusto nating makakita ng pagbabago, sa atin dapat nagsisimula ‘yun. At ‘yun ang magiging simula ng adhikain ko. Para sa mga nasa distrito ko sa Parañaque. Siguro it’s about time na ipagpatuloy ko rin ang mga nagawa na ng mga ninuno ko sa larangan ng serbisyo.”

Hindi muna kotse ang patatakbuhin ni Jomari sa karera ng kanyang buhay. Kundi ang serbiysong handa niyang ialay.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …