Bukod kasi sa fourth and latest album ni Gerald, dapat abangan sa versatile na talent ni Cocoy Ramilo ang tatlong pelikulang tatampukan niya. Kabilang dito ang Memory Channel with Jeffrey Quizon, Ang Lalaking Nangarap Maging Nora Aunor, at Emilio Jacinto: Utak ng Katipunan.
“Sobrang thankful po ako kasi ‘yun nga po, na-bless po ako ni God ng malalaking blessings nga-yong 2015. So, umuulan po talaga ng blessings,” nakangiting saad ng singer/actor.
Actually, bago nagtapos ang taon ay may humabol pang blessing kay Gerald. Ito ay nang nanalo siya sa 27th Annual Aliw Awards para sa kategoryang Best Major Concert – Male Category. Definitely, isa pang major achievement ang natamo ni Geralad sa naturang award.
“Sobrang nagulat si Gerald, happy siyempre kasi mabibi-gat ang co-nominees niya rito, sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Mark Bautista, at Bamboo. “Kaya talagang abot po ang pasasalamat namin sa lahat ng mga sumuporta kay Gerald sa concert na ito. Napuno niya ang PICC that time, kaya this one is really sweet! Ako po ang nag-conceptualize, nagsulat, at nagdirek ng concert na ito,” pahayag sa amin ng masipag na manager ni Gerald.
Nang usisain namin kung magkakaroon ba si Gerald ng major concert ngayong 2016. Positive ang naging reply sa amin ni Cocoy.
“Definitely po ay may major concert po ulit si Gerald next year.”
Prior sa chat naming ito ni Cocoy, may nabanggit siya sa aming nilulutong bagong project para kay Gerald. Na sa aming palagay, kapag natuloy ay lalong magniningning ang bituin ni Gerald.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio