Saturday , November 23 2024

Sorisong Frabelle ‘inalat’ kay Chiz!?

frabelle“HITSURANG malinis, lasang malinis, puwedeng-puwede pang manguna.”

‘Yan mismo ang mga binitiwang salita ni Senator Chiz Escudero nang maging first brand ambassador siya ng Frabelle Hotdog.

Ang Frabelle hotdog ay produkto ng Frabelle Corporation, isang global fishing company na nag-venture sa meat industry.

Kinuhang endorser noong 2012 ng Frabelle si Chiz dahil naniniwala silang mayroon siyang positibong reputasyon.

Noong panahon na ‘yun kasi, nangangarap nang maging presidente ng bansa ang ambisyosong si Chiz.

Sabi nga ni Frannie Tiu-Laurel, company president,”People trust him (Escudero). A lot of faith of the Filipino people rests upon his shoulder, and I really see that it will help our product.” 

Sana lang ay hindi nagkamali si Tiu-Laurel nang sabihin niya ito noon. 

At sinundan nga ‘yan ni Chiz ng komentaryong… “Hindi lang sa hindi pahuhuli sa lasa ng international brands, but because it’s meticulously prepared. Hitsurang malinis, lasang malinis, puwedeng-puwede pang manguna.”

Sabi ng matatalas na kritiko, double blade o double meaning ang pahayag na ito ni Chiz. Sinasabi niya kunwari ito para sa sorisong Frabelle pero sa totoo lang idinidiin niya ito bilang projection ng kanyang ima-ge… “hitsurang malinis, lasang malinis, puwedeng-puwede pang manguna.”

Wais talaga itong si Chiz!

Nakakuha na ng raket, naibenta pa ang sarili!? Swak na swak na package deal ‘di ba?

Pero kumusta naman ang Frabelle hotdog ngayon? 

Umangat ba sa merkado ang produkto ng pamilyang Tiu-Laurel sa pamamagitan ng endorsement ni Chiz?!

Alam naman nating lahat na ang sagot diyan ay malamang na hindi.

Mas mukha kasing ‘ipupulutan’ ni Chiz sa kanyang paboritong red wine ang Frabelle hotdog at hindi almusal ng mga batang takam na takam at paborito ang nasabing meat product?

Ibig sabihin, hindi dapat kinukuhang endorser ang isang taong mahilig uminom ng red wine kung produktong paborito ng bata ang ilalako sa TV Commercial (TVC).

Ang sigurado rito, si Chiz ay natulungan ng TVC  ng Frabelle para lagi siyang naaalala ng mga botanteng Pinoy.

‘E ang Frabelle hotdog, natulungan at umangat kaya ang sales dahil sa endorsement ni Chiz?

Parang ‘yung yummy Frabelle hotdog ay biglang ‘inalat’ dahil mukhang nasira ang mga nakuhang certifications  ng Frabelle para sa Good Manufacturing Practice (GMP), Hazard Analysis Critical Control Points (HACCP), at AAA accreditation mula National Meat Inspection Service (NMIS).

Katunayan, pinalitan na nila ang endorser ng kanilang produkto.

Kinuha nila ang bibong bata na si Alonzo Muhlach bilang bagong endorser nila.

Kay Alonzo bagay na bagay ang endorsement ng nasabing meat product na paborito ng mga bata.

Hitsurang malinis, sa taglay na kainosentehan. Lasang malinis na makikita sa malusog na pangangatawan ng batang artista. Puwedeng-puwede pang manguna dahil si Alonzo ay matalino at consistent na honor student sa Montessori Greenhills.

Ibig sabihin ang batang aktor ay the right choice bilang endorser ng Frabelle hotdog.

‘E Si Chiz?

Sa palagay ba ninyo, bagay sa kanya ang sinabi niyang… “hitsurang malinis, lasang malinis, puwedeng-puwede pang manguna” lalo na kung may hawak siyang bote ng alak?!

Tsk tsk tsk… ‘inalat’ este umalat tuloy ang kapalaran ng sorisong Frabelle.

Hindi kaya mas bagay siyang endorser ng alak ni Mr. Andrew Tan o ng serbesang San Miguel?

Hik! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *