Kuwento ng isang padre de pamilya ang HTF na si Edgar na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang mag-ina (sina Meryll Soriano at Krystal Brimner) mula sa mga masasama at sakim na taong humahabol sa kanila.
Maraming ”firsts” para kay John Lloyd sa HTF. Dito’y ginawa niya ang mga bagay na ‘di pa niya nagagawa sa kanyang career.
Nagpakalbo siya. Gumamit ng baril. Gumawa ng mga stunt. Natutong magsalita ng Kankanaey dialect. Natuto rin kung paano mag-welding!
‘Ika nga ni writer-director Antoinette Jadaone, ”Sobrang refreshing para sa isang fan ng rom-com John Lloyd na makita siya sa ganitong film.”
At sa mga stunt na ginawa ni Lloydie, hindi pala ito nagpa-double kahit nag-provide ang produksiyon ng stunt double para sa kanya. Ginawa pa rin ni JLC ang sariling niyang mga stunt.
Kaya kung makikita n’yo si John Lloyd sa Honor Thy Father na nagmamaneho ng kotse ng mabilis, namamaril, lumalangoy sa malalim na tubig, at nakikipagbakbakan sa mga kalaban, nakatitiyak kayong siya mismo ‘yon at wala ng iba!
Hindi ito ang karaniwan nating napapanood na nagpapa-cute sa mga pelikula niyang ginagawa kasama sina Bea Alonzo o Sarah Geronimo o ng mga karakter na ginagampanan niya sa A Very Special Love, It Takes a Man and a Woman, One More Chance o kahit sa A Second Chance. Ibang-ibang John Lloyd Cruz ang makikita natin at nakatitiyak kami na sinuman ang manood ng pelikulang ito’y talagang hahanga at mapapa-wow sa actor.
Palabas pa rin ang Honor Thy Father ngayon sa mga sinehan at ito’y idinirehe ni Erik Matti mula sa Reality Entertainment.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio