Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Haunted Mansion, umaarangkada; Tetay’s glory days, over na ba?

112515 haunted house janella
ILANG araw na ngayon ang lumalakad buhat nang magsimula ang Metro Manila Film Festival with eight official entries out competing each other para sa pagiging top grosser.

At habang isinusulat namin ito, naganap ang tinatawag na “the expected,” inaaasahan na kasing mangunguna sa takilya ang Vic Sotto-Ai Ai de las Alas-AlDub movie.

Pero may kabuntot ang expectation na ito: sina Alden Richards at Maine Mendoza naman kasi ang main attraction sa pelikula, at hindi ang presensiya nina Vic at Ai Ai na lumabas lang bilang support sa makasaysayang tambalan.

Kumbaga sa cholesterol—rich na pagkain na karaniwang nilalantakan tuwing Pasko at piyesta, ang AlDub ang lechon na puwedeng papakin kahit walang sarsa. Vic and Ai Ai represent the sauce.

Ngayong taong ito, earlier in the race ay isang rebelasyon ang Jun Lana horror flick na Haunted Mansion na ayon sa mga nakalap na figures ay pumapangatlo sa karera.

Pero ang pinakamalaking sorpresa ay ang pananamlay ng pinagsanib na puwersa nina Kris Aquino at Derek Ramsay, isama na sina Kim Chui at Xian Lim at Ian Veneracion at Jody Sta. Maria ng pelikulang All You Need is Pag-ibig.

After Kris’ Etiquette For the Mistresses na nilangaw sa mga sinehan, ang ranking ng another Kris Aquino movie na ito ay isang nakaaalarmang senyales that her glory days are over.

And what do you know? Mukhang nadamay din si Kris ng masamang kapalaran bunga ng disgusto ng mga mamamayan sa pamamalakad ng kanyang Kuya Noynoy. Call it collateral damage, what else?!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …