Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dianne Medina, endorser ng Racal Group of Companies

122815 dianne medina racal

00 Alam mo na NonieMASAYA si Diane Medina sa takbo ng kanyang career ngayon. Bukod sapagiging aktres at TV host, ngayon ay product endorser na rin siya. Recently ay pumirma si Dianne ng contract bilang celebrity endorser ng Racal Group of Companies (RGC) na kinabibilangan ng Caida Tiles, Racal Auto Center, Racal Motors, E-Bikes, at iba pa.

Kasabay ni Dianne na pumirma ng kontrata ang basketball players na sina Ryan Pascual at Cris Javier, na magiging parte ng team ng Caida Tiles para sa PBA D-League simula Enero 2016. Bale, si Dianne ang muse ng team. Si Diane ay makikita sa RGC’s advertisements, commercials, billboards and posters among others. Kasama dito ni Diane sa lawaran si Ms. Jenniebeth Racal Torres, na siyang RGC’s Corporate Secretary.

Ayon kay Diane, masaya siya bilang isa sa hosts ng morning show na Good Morning Boss sa PTV 4. Apat na taon na raw siyang host dito at ibang klaseng experience ito para sa kanya. Dati raw ay full time siyang aktres, pero napagtanto niya ngayon na mas gusto niyang maging TV host or anchor. Pero hindi naman daw ibig sabihin ay iiwan na niya ang pag-arte sa harap ng camera. “Pero kung may offer pa rin sa pag-aartista, go pa rin naman ako kasi gusto ko pa rin naman umarte.”

Ayon pa kay Diane, naging daan ang pagiging host at news anchor niya para makilala ang Racal Group of Companies chairman na si Jonito Racal.

“I was able to interview Sir Racal kasi may group sila or mayroon silang team for D-League. Platform yung morning show namin to create more public awareness about D-League. Iyong D-League yung parang training ground na kumukuha ng draft picks ang PBA teams.”

Bukod sa kanyang showbiz career, maayos din ang lovelife ng dalaga. Nine years na ang relasyon nila ni Rodjun Cruz sa papasok na taon, pero hindi pa raw nila pinag-iisipang magpakasal dahil kailangan daw itong paghandaan talaga.

“No plans yet. Work muna. Ipon muna, si Rodjun kasi focused sa work. Ayaw ko siyang i-pressure. Ramdam ko rin sa kanya na he’s not ready yet. Gusto kasi namin settled na lahat. May enough ipon, may business. Kasi hindi mo rin masabi kung hanggang kailan kami dito sa showbiz, e, di ba?”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …