Monday , December 23 2024

Anyare kay Digong Duterte?

00 Bulabugin jerry yap jsyDESMAYADO ang supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang mawalis siya sa No. 1 sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

At hindi lang basta nasipa sa No. 1 kundi lumamang pa ng 10 porsiyento si vice president Jejomar Binay.

Sa survey na ginawa noong December 4-11, may  respondents na 1,800 katao, nakakuha ng 33 porsiyento si VP Binay para muli siyang makabalik sa No. 1.

Sinipa paibaba ng 10 posiyento si Duterte (23%), at itinulak si Sen. Grace Poe sa 21%. Nakakuha ng 17% ang administration bet na si Mar Roxas at 4% naman si Miriam Defensor Santiago.

Lumiliit naman ang pagitan nina Sen. Chiz Escudero at Sen. Bongbong Marcos, sa 29% at 23% resulta ng survey, ayon sa pagkakasunod.

Kung hindi magbabago, maaari na itong magpantay sa mga susunod na survey.

Back to Duterte, ano ba ang nangyari at bigla siyang dumausdos sa survey?!

Mukhang over confident si Digong…

Na-over sa bad words at medyo na-over sa yabang (ba)?

Ang sabi nga ‘e, lahat ng ‘SOBRA’ ‘e walang naidudulot na maganda.

‘Wag masyadong ‘elib’ Mayor Duterte, mahirap bawiin ang tiwala ng mga taong naniniwala sa iyo!

Anyway, sana ay maging aral na sa iyo ‘yan…

Hinay-hinay Digong, mahaba pa ang laban.

Kaso vs Immigration Commissioner Siegfred Mison ipinabubusisi ng Palasyo sa DOJ

WHEN it rains, it really pours…

Kaya kung inulan man ng suwerte si Immigration Commissioner Siegfred Mison noong una, ‘e mukhang uulanin din siya ng karma sa pagtatapos ng 2015 at pagpasok ng 2016.

Mismong ang Malacañang na ang nag-utos sa Department of Justice (DoJ) na busisiin ang limang kasong kinakaharap ni Mison sa Ombudsman kaugnay ng mga kasong administratibo at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa utos na ‘yan ng Malacañang, nagsilundagan na ang mga empleyado sa BI at nagsigawan ng yeheeey!

Sa wakas daw ay napansin din ng Malacañang ang kapalaluan ng kanilang Commissioner.

Pero mukhang wa epek daw ‘yan kay Mison. Ang importante nariyan ang kanyang ‘lovey-dovey’ na si Ms. Valerie.

Gano’n?!

E ‘di hintayin na lang natin kapag inumpisa-han na ng DoJ ang pagbusisi kung bakit sandamakmak ang kaso niya sa Ombudsman…

‘Yun na!              

Isang Makabuluhang Pasko sa inyong lahat!

SA KABILA ng mga naranasan ng sambayanan ngayong 2015, lalo na ‘yung mga biktima ng bagyo sa Sorsogon at sa Northern Samar, gusto namin kayong batiin na nawa’y maging masaya kahit paano ang inyong Pasko ngayon.

Alam po natin na hindi magiging maligaya ang inyong Pasko pero sabi nga ang bawat pagsubok ay may kadahilanan. Huwag po natin kalimutan magdasal, ano mang relihiyon ang ating kinaaniban.

Nagpaka-importante po ng pagdarasal o meditasyong espirituwal.

‘Yung mga happy naman ang Christmas, puwede siguro nating i-share ‘yang happiness na ‘yan, in kind, para sa mga kababayan nating nasalanta sa Sorsogon at sa Northern Samar.

Umiiyak po ang mga kababayan natin sa Sorsogon at sa Northern Samar dahil mukhang nagha-HOLIDAY na sa ibang bansa ang mga opisyal ng local government unit (LGU) sa kanilang lalawigan.

Sabi nga ng isang civic leader sa Northern Samar na si Architect Arnold De Asis, “We’re so insignificant!”

‘Yun bang tipong, nasalanta sila nang husto pero balewala lang sa LGU officials at maging sa national government.

Cannot be reached na po silang lahat!

Parang naaalala tuloy ng inyong lingkod ‘yung kuwento ng pagsilang ni Jesus. Kabuwanan ni Maria at sumasakit na ang kanyang tiyan pero walang tumatanggap sa kanila. Ipinagtatabuyan sila at wala silang ibang nasumpungan kundi ang sabsaban o silungan ng mga tupa at baka.

Ganyan ang kalagayan ngayon ng mga kababayan natin sa Sorsogon at sa Northern Samar. Kailangan ng masisilungan at ng kalinga pero walang nagmamagandang-loob ultimo mga opisyal ng pamahalaan.

Kaya tulungan po nating maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko ng ating mga kababayan sa Sorsogon at sa Northern Samar.

Kung walang in kind, ang dasal po ay ekspresyon ng makabuluhang intensiyon para sa mabilis nilang recovery.

Muli, isang makabuluhang Pasko po sa lahat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *