Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, thankful sa blessings na dumarating

062615 Nikko Sig Natividad

00 Alam mo na NonieSUNOD-SUNOD ang dumarating na blessinhs ngayon kay Nikko Natividad. Bukod sa may special role siya sa pelikulang Beauty and The Bestie ni Direk Wenn V. Deramas na siyang MMFF entry nina Vice Ganda at Cococ Martin, regular na rin ngayon si Nikko sa It’s Showtime bilang bahagi ng grupong Hashtags.

Kaya naman sobra-sobra rin ang pasasalamat niya sa mga pangyayaring ito. “Sobrang nagpapasalamat. Kasi po gabi-gabi ako nagdadasal na sana mabigyan ako ng regular work ni Lord at eto nga po, araw-araw na kami sa It’s Showtime,” saad ng binatilyong talent ni katotong Jobert Sucaldito.

Ano ang masasabi mo sa movie’ng Beauty and The Bestie?

“Sa trailer pa lang po, talagang riot sa comedy. Bale, ako po ang boyfriend ni Vice roon. Special participation lang po ako.

“Pero ipagdadasal ko na sana next movie niya, mahaba na po role ko.”

Bakit gusto niyang makatrabaho ulit si Vice?

“Bukod sa mabait si Vice, magaling siya talaga at marami kang matutunan sa kanya. At saka gusto ko po kasing makagawa comedy movie.

“Eh siyempre po si Vice, alam na naman natin na napakagaling po niya sa comedy.”

Ano ang masasabi niya ka Vice?

“Sobrang bait nya po sa akin. Lagi niya ako ina-advice na galingan ko, especially sa pagpapatawa,” pahayag pa ni Nikko.

Sa ngayon ang isa pang wish ng Gandang lalaki winner ng It’s Showtime ay ang lalo pang tumibay ang kanilang grupong Hashtags na tinitiliian na rin ngayon ng maraming fans.

“Etong Hashtags group po namin, malaking break po para sa akin. Sana magtagal po group namin.

“Sobrang saya po naminkapag naa-appreciate ng audience ang ginagawa namin. Lalo na kapag mga kabataan po, tapos ay tumitili sila. Ibig sabihin, effective po ang pagpapa-cute namin habang sumasayaw,” saad pa ni Nikko.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …